Hello mga momshie. Im 8 weeks pregnant. 32 years old. First baby.
Last time nag pa tvs ako 4 weeks plang gestational sac plang ang nakita wala pang yolk sac and embryo kya pinababalik ako after 3 weeks kso hndi na ko nakabalik dahil naglockdown na. Worried ako qng buntis ba tlga ako, qng okay ba si baby. Hindi na ko makatulog sa gabi kakaisip. Wala nmn aqng nararamdaman. Walang spotting or bleeding. Gusto ko sana magpa ultrasound to confirm at marinig ang heart beat ni baby kso ganito nmn ung sitwasyon. First baby ksi ito kya wala pa q ganong alam. Need some encouragement.