Another Gift from my IN-LAWS

Last Saturday I posted the gifts from my in-laws, ang daming damit ni baby. Then kaninang umaga naman dumaan sila ulit dito sa bahay namin ni hubby. Iniabot nila ung bigay ng Sister-in-Law ko na cute onesies para kay baby. Nasa manila kc un sister-in-law ko. Super ang kucute. Then ngayong hapon nagmessage ung mother-in-law ko na dadaan daw sila ulit ng father-in-law ko dito sa bahay. Wala akong idea kung bakit. Baka kako magdadaan lang ng food kc mahilig sya magluto. Pagdating nila inabot nya sakin ung 1 paperbag na may lamang longganisa. Kasi un ung lagi nya sinasabi sakin may masarap daw na longganisa syang nabibili. Akala ko un lang, Not knowing na ito pala yung dala nila. Hindi ko kasi alam na nagpunta sila ng SM kc ang alam ko nagpaayos lang sila ng dashcam ng kotse. Sobrang nagulat ako nung binababa ni papa ung box ng stroller! Naloka ako! Akala ko tapos na tapos may Crib/PlayPen pang ibinaba! Haaaay nakakagulat at nakakasuper happy! ???? Thank you, Lord sa mababait kong in-laws! Super love nila ang bebe namin! Nakakatuwa! Iba yung saya kapag gamit ng baby ung natatanggap mo! ? Thank you so much, Mama, Papa and to my sister-in-law! Ps. Anak, Wag ka muna lalabas, April 27-May 18 ka pa pwede lumabas. Hehehe PPS. Don't get me wrong po sana. Hindi po ako nagpabili or ano. Me and my husband have work po. Thank you! Happy buntis to all of us!

Another Gift from my IN-LAWS
107 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pareho tayo sis. Ganyan din kaexcited in-laws ko. 1st apo both sides din kasi si baby ko. Nakakataba lang ng puso, especially pag tinuturing ka talaga nilang anak. Mother-in-law ko din, sya yung bili dito bili dun, at sya pa naglaba ng lahat ng damit at nag ayos ng mga gamit ni baby at gamit ko na rin na dadalhin sa hospital in case of emergency, kasi nagpipreterm labor ako - - on complete bed rest. Mapapa #blessed ka talaga. ❤️😊

Magbasa pa

Sana all.. kaso itong hubby ko ayaw pasabi sa in laws ko abroad na magkakababy kami although sabi naman ng in laws ko they are willing to buy the things para sa baby para makapag focus kami sa pag raise ng funds sa panganganak ko... gusto niya daw pag lumabas na saka lang sabihin, kaya ayun, sariling bili kami ng gamit ng baby haha start na kami mamili kapag confirmed na ung gender.

Magbasa pa

Mapapa-sana all ka talaga pero samen naman ng hubby ko, sinagot ng dad nya ang expansion/renovation ng room and cr namen para lang magkasya ang mga gamit ni baby like large crib, stroller, baby cabinet and etc. Kahit ang dami na ng gamit ng baby at di pa sya lumalabas, sobrang luwag na ng kwarto para kaming aalog-alog dun. Nagmukha syang apartment infairness. 👌

Magbasa pa

sana all!!! yung saken kase hindi manlang ako tinatanong kung ano pa mga kulang na gamit ni baby, mother ko nagprovide for the clothes lalo na sa paglabas ni baby, ang dami kong gustong bilhin na gamit or damit ni baby pero hindi manlang ako matanong kung ano pang need, para bang gusto nila yung parents ko nalang magprovide for my baby needs.

Magbasa pa

Sana all mamsh! 😂 Ako simula't sapul ayaw sakin ng mga inlaws ko dahil may anak ako na isa sa una.Pero wala silang magawa kasi Mahal na Mahal ako ng anak nila.At Mahal na Mahal ko din ang Asawa ko to the point na nagpakasal kami ng lihim dahil sa pag ayaw nila.Praying na in God's Perfect time matanggap nila ako.☝💖

Magbasa pa

Sana all. Di tulad ng byenan ko napaka. Nung sumama sya sa amin ng asawa ko sa pamimili ng gamit ni baby ung byenan ko pa pumipili. At mas marunong pa sya kung ilan bbilhin nmin. Dami tuloy kulang sa pinamili nmin. Buti na lang nagbigay yung mother ko ng iba pang gamit ni baby ❤❤

Wow! Ang swerte mo... Ako naman need na unawain ang in-laws. Di kasi sila nagbibigay ng ganyan. Kasi sila bumubuhay sa babaeng anak nila na single parent saka sa apo nila sa kanya. Yung baby boy kasi naging first apo nila dahil one year bago ako nabuntis.

5y ago

2 magkapatid lang po kasi ung husband ko and sister nya. Panganay po husband ko. And 1st apo c baby. Nagulat po ako kc hindi ako nagpapabili ng kahit ano dahil both of us ng asawa ko ay my work. Nakakagulat lang kc nagpupunta cla sa bahay namin mag asawa may dala na ganyan. Ang sarap lang po sa pakiramdam na excited cla kay baby.

Kpg mbuti at mganda pkikisama m momsh,susuklian k rn nla ng kbutihan,,mga sister in laws q gnyan dn,,stroller at ibng gamit ni baby nung nanganak aq bngay nla,.kya lking tipid q s ibng gamit ni lo..super blessed k s knila momsh..☺️☺️

Ako yung mil ko ganyan din. Pati brother ni hubby magsusupply na ng diaper hahahaha... Pero sa sister in law ko mukhang nega kasi may ugali talaga kaya kiber lang sakanya. Masaya ako na si mil and bil eh anjan para kay baby 😊

Post reply image

Super relate hahaha lahat ata ng gusto ko at need ni baby na kumpleto na agad bago pa mag 8 months. Blessing na may mga ganitong in laws. 🙏😇