Nalaglag na din ba ang anak mo?
Last Nov. 16 po pag uwi ko sa work nagsabi yung asawa ko na nalaglag daw po sa papag namin ang baby ko 8 months old, padapa daw ang pagkakalaglag at natatakot ako kasi simento ang pinagbagsakan, nagkaroon ng galos sa ilong ang baby ko at umiyak na din naman daw after ilang minuto. Neto namang Nov. 20 bumyahe kami ng anak ko as family bonding mula 10am to 12pm nasa byahe kami commute, then pagdating ng 12pm pumasok kami sa mall para magtanghalian, okay naman lahat, 3pm umuwi na kami tapos nagstart na syang magsuka at mag tae, nasundan ng 5pm at madaling araw, kinabukasan nilalagnat na sya at tuloy tuloy ang suka tae at kabag, nag iipin din kasi si baby, nagpakunsulta ako sa Pediatrician at niresetahan ng mga gamot. Nag eexpect silang lahat na connected ang sakit nya sa ipin, may possibility kaya na connected din ito sa pagkalaglag nya?

dpat sis naka baby proof amg kwarto nyo. Tulad nya nalaglag baby nyo. Dpt tanggalin nyo na ang bed frame nyo at use playmat. sinabi mo pa sa pedia na nalaglag baby nyo? If ako ikaw for my peace of mind ipapa CT scan ako anak ko. Lalo na 2days lang pagitan.