Last night, umalis siya may pupuntahan daw sila ng friends niya, umokay naman ako. In short pag uwi niya nalaman ko agad na may babae. Kaya pala laging nagpapa pogi. Kulang nalang magpalagay ng abs.
Kinausap ko siya, aba sya pa talaga nagbasag ng phone. So umiyak nalang ako, ganun talaga pag may ginagawa gustong magmalinis at ikaw ang napasama. ( Ilang beses na po nyang ginawa)
Naisip ko, maglaslas (kinuha ko na yung blade).. Pero yung baby ko sa tummy biglaan syang parang nagwala. At dun ako napakalma. Dun ako mas lalong umiyak. Dun ako nagstart tumawag sa Diyos. At ang unang sambit ko.. God sana mapatawad ko siya, bigyan nyo ako ng lakas ng loob, wag nyo po sana akong hayaan na masira dahil lang sa isang tao. Wag nyo po sanang hayaan ko ang napakahalagang buhay. At nagsorry ako sa anak ko, at parang naging kalma na siya.
Sabi ko sa sarili ko.. Hindi itong klaseng tao ang magpapatumba sakin sa buhay. Hindi ito ang klaseng tao ang magpapabago sa kung ano ako, mabuti akong tao.. Mabuti akong tao.
Ngayon.. Kakatapos ko lang sa check up. Hindi okay ang lagay ng baby dahil naapektuhan na sya sa mga nangyari.. ( lagi po akong umiiyak) at nakiusap ako sa kanya na to let go of me, na maawa sya anak namin , na piliin namin maging okay ang bata. At mangyayari lang yun pag wala na ako sa tabi niya.
Jobless ako. Wala akong maasahan.. Pero ayaw nya akong bigyan ng pera para makapagsimula dahil kailangan daw na magksama kami para sa baby. Hindi ko to gets, kung para sa baby bakit paunti unti niya kaming pinapatay sa sama ng loob.
Hanggang sa naisip ko, 2 months nalang manganganak na ako.. Sabi ko sa baby ko tiis lang kami. Dahil ayukong malagay din sya sa alanganin dahil sa kondisyon niya. Pero pinapangako ko may balik ang lahat. Pagsisisihan niya ang hindi pag iingat samin. At pinapangako ko isang beses niya lang mayakap anak namin.