A cheating partner

Last night, umalis siya may pupuntahan daw sila ng friends niya, umokay naman ako. In short pag uwi niya nalaman ko agad na may babae. Kaya pala laging nagpapa pogi. Kulang nalang magpalagay ng abs. Kinausap ko siya, aba sya pa talaga nagbasag ng phone. So umiyak nalang ako, ganun talaga pag may ginagawa gustong magmalinis at ikaw ang napasama. ( Ilang beses na po nyang ginawa) Naisip ko, maglaslas (kinuha ko na yung blade).. Pero yung baby ko sa tummy biglaan syang parang nagwala. At dun ako napakalma. Dun ako mas lalong umiyak. Dun ako nagstart tumawag sa Diyos. At ang unang sambit ko.. God sana mapatawad ko siya, bigyan nyo ako ng lakas ng loob, wag nyo po sana akong hayaan na masira dahil lang sa isang tao. Wag nyo po sanang hayaan ko ang napakahalagang buhay. At nagsorry ako sa anak ko, at parang naging kalma na siya. Sabi ko sa sarili ko.. Hindi itong klaseng tao ang magpapatumba sakin sa buhay. Hindi ito ang klaseng tao ang magpapabago sa kung ano ako, mabuti akong tao.. Mabuti akong tao. Ngayon.. Kakatapos ko lang sa check up. Hindi okay ang lagay ng baby dahil naapektuhan na sya sa mga nangyari.. ( lagi po akong umiiyak) at nakiusap ako sa kanya na to let go of me, na maawa sya anak namin , na piliin namin maging okay ang bata. At mangyayari lang yun pag wala na ako sa tabi niya. Jobless ako. Wala akong maasahan.. Pero ayaw nya akong bigyan ng pera para makapagsimula dahil kailangan daw na magksama kami para sa baby. Hindi ko to gets, kung para sa baby bakit paunti unti niya kaming pinapatay sa sama ng loob. Hanggang sa naisip ko, 2 months nalang manganganak na ako.. Sabi ko sa baby ko tiis lang kami. Dahil ayukong malagay din sya sa alanganin dahil sa kondisyon niya. Pero pinapangako ko may balik ang lahat. Pagsisisihan niya ang hindi pag iingat samin. At pinapangako ko isang beses niya lang mayakap anak namin.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sis ipasa Dyos mo lahat ng mga naraeamdaman mo, ang Dyos lamang ang makakapagcomfort sa atin, itaas natin lahat sa kanya... tama ma dyan sis hindi tayo matutumba at mapapatumba ng mga ganyang tao. i feel you cz! 2 times nagloko hubby ko, before ako mabuntis at etong buntis ako. nung time na nalaman ko na may babae sya at kasama nya sa hotel iyak din ak9 ng iyak at muntik na magpakatihulog ... pero inisip ko si baby kasi isang taon inantay namin para magkababy... nakakaasar yung mga babaeng alam na nila may asawa tao sige pa kabit pa more at mga lalaking gwapong gwapo sa sarili eh. mas matapang pa nga mga ahas na yan! etong 7 mos. preggy ako, ginugulo kami nung naging kabit nya, kahit nakipaghiwalay na sa kanya hubby ko at kami ni baby pinili nya. grabe sis gusto nya kami paghiwalayin tapos gusto pa ata ako makunan kasi birthday na birthday ko nagpadala sa akin ng mga poisonous msgs sa messenger using dummy account! mas matibay na kami ni hubby ngayon at nagbalik na tiwala ko sa kanya kahit mahirap nuong una. si baby talaga una kong iniisip bago ako tuluyang magalit, umiyak magmaktol.. wag ka magtanim sama loob sis kasi mahirapan ka magpatawad. let your partner na mafeel na ikaw ang kamahal mahal at karapat dapat.. pakitaan natin sila ng mabuti. ganyan ginawa ko kay hubby. sobra nakunsensya sya kasi di ko sya inaway pati babae nya tapos tinanggap ko pa din sya buong puso ! lagi na kami nagprapray ng sabaybsa gabi! it really works!

Magbasa pa

i feel u sis. ako twice naloko ng husband ko. 1st, iniwan nya kame ng 7 yrs old naming anak.ang dame ngyari, pero nagkabalikan din kame after 1 year. 2nd tym nya ginawa, 1 month n kong buntis s 2nd baby namin.alam mo sis, d ko tlga alam bakit may mga ganyang lalaki sa mundo.at may mga babaeng kahit alam ng may.asawa pumapatol pa din.lahat yan pinasaDiyos ko nlng. now, 38 weeks na ko. nakita ko naman nagbabago sya pero d na maaalis saken mga ginawa nya. bahala na itaas sknla basta ako focus sa mga anak ko. ikaw sis,pakatatag ka para sa baby mo. kaya mo yan. Godbless.

Magbasa pa

Pakatatag po kayo mumsh para kay baby. May mas magandang plano si Lord para sayo at sa baby mo always pray kakayanin mo po lahat ng problem na nararanasan mo ngayon. Godbless po

VIP Member

Stay strong! Alam ko ang pakiramdam ng niloloko. But still, May baby ka na sis. Kailangan mong tatagan ang isip mo at katawan para sa kanya. :*

VIP Member

Stay strong po kayo ni Baby. Distance ka muna sa mga bagay na magbibigay stress sayo.

VIP Member

Kapit lang. May plano si God para sa inyo ni baby.

VIP Member

Stay strong sis and pray. I feel you too.