JUNE - BABY GIRL ?❤️
At last, nakapagpa 2nd ultrasound rin. Now ko lang rin nalaman gender ng baby ko although madaming nagsasabe na babae daw baby ko, well gusto ko rin kase talaga baby girl hehe. Kanina kinakabahan pako mag pa ultrasound kase baka may complications or what kaya nung isa nalang yung ichecheck up then sunod na ako kinakausap ko si baby na sana okay lang lahat, and alam niyo ba mommy nakakatuwa sipa ng sipa si baby at galaw ng galaw, e sa totoo lang medyo di magalaw si baby kase nga 8 months nako dahil nga maliit na yung space nya sa tyan ko. Masaya rin kame ni hubby ko na Baby Girl si baby at no complications. ❤️ RESULTS NORMAL HIGH LYING PLACENTA CEPHALIC BABY GIRL pacheck naman rin po yung results yung iba po kase di ko pa gets hehe FTM here. ❤️
Yung Ultrasonic EDC yun yung expected date of confinement or delivery mo June 20 due date mo. Yung EFW estimated fetal weight yun 2823 grams na sya ibig sabihin nasa 2.8 kilos na timbang ni baby. 34weeks and 2 days na sya so almost 5 weeks na lang magle labor ka na, cephalic meaning nakaposition na ulo nya for normal delivery, adequate amniotic fluid meaning sakto lang yung panubigan mo na pampadulas ni baby para makaslide sya palabas sa pwerta mo. FHB is fetal heart beat nasa normal range naman sya kasi 130 ang result. Normal range is 120-160 heart beats per minute. Yan po basically mga result ng ultrasound mo. Medyo magdiet ka na sis para hindi tumaba ng husto si baby. Kapag kasi 3.2 kilos pataas mahirap na yan ilabas ng normal delivery lalo na first time mo mahihirapan ka sa pag ire. Iwasan mo din mga nakaka high blood na pagkain kasi kung tataas bp mo at malaki masyado si baby hindi ka makakapag normal delivery automatic cesarean yun. Kasi mapupwersa lahat ng ugat mo sa pag ire. Mag lakad lakad at exercise ka like mag squat positions ka para mastretch na bewang at balakang mo para madaling bubuka yung dadaanan ni baby. Marami sa youtube exercise for pregnant search mo na lang. Makakatulong yun para di masyadong hirap sa labor stage. Stay safe and healthy, goodluck sana makaraos kayo ni baby mo! 😊
Magbasa paJune din aqo nung una pero nagbabago kada ultrasound qo. June 20, june 18, tapos nung last nag checkup aqo this may 8 sabi nya pwedi na aqo manganak next week tapos lumabas sa result nya don 36weeks na aqo tapos sa apps nman naka record kasi sa apps lahat eh pari last means qo. Nasa app 34weeka plang aqo that day pero si doc sa ultra 36weeks 2days. Bakit kaya ganun? Di nman kaya kumulang sa buwan si baby?
Magbasa paSame tayo mommy. Sa apps ko late ng 1 week sa ultrasound ko dalawang beses nabago. August 14 nung nauna. Then sa health center August 17 then nung last ultrasound ko August 7.... Pero sa apps na gamit q August 15....
Same tyo sobrang likot ni baby ko din ngayon 8months na .. humahagod sa tiyan yun galaw nya ang hilig pa sumiksik sa tagiliran 😂 kso hnd pa ko nkakapag paultrasound ulit .. sana baby girl din 😅 pero kung boy ok lng din .. june 23 duedate ko goodluck sa atin 😀
Hahah ako sis june 24. Magkasunod tayo.
Team June din here bibi ko is boy. 💓🤗 kelan ko lang dn nalaman gender last april 27 lang nag hagilap ako clinic tlga kasi gsto na namin bili gamit 😬😅 goodluck po satin lahat
hello team june din po ako,di pa ako nakakapag 2nd ultrasound. kaya di parin namen alam gender ni baby.. Congrats po sa inyu.. and Good luck satin!
congrats po. team june din ako at di pa nakakaoag 2nd ultrasound.. sana okay din lahat sa baby ko. take care momsh ❤️❤️
Same ob tayo mamsh. Girl den sya sabi ni dra. Rabutin sobrang likot nya sa clinic nung nagpacheck ako galaw ng galaw ❤❤
I love baby girl too.pinagpray ko talaga kay Lord na baby girl nung nagbubuntis ako at answered prayer sis.God bless po
Anong ultrasound ginawa sayo mumsh? Sakin kasi BPS ultrasound pinapagwa ng OB kaso hnd ko pa magawa 29weeks preggy me
Pelvic po. Since malaki na tyan ko
Hi sis. Anonung ibig sabhin ng normal. Normal ka manganak ganun ba. Snsya na first time mom kc ako. Thanks
Normal means sa pepe ka manganganak. CS hihiwain tiyan mo.
Momshie of a handsome son and a pretty princess