AWARENESS

Hello. Lalo sa mga first time mommy . First time ko din Sana maging mommy. June 21 nag pt ako positive. July 6 nag pa ultrasound ako maganda condition ni baby July 9 nag ka spotting ako. To think na akala ko okay lang hanggang sa sumasakit na puson ko at palala ng palala ung sakit. Bumalik ako sa Ob ko July 17 resita sakin pampakapit at asap ultrasound ulet para macheck si baby. July 18 result ng ultrasound ko wala ng heartbeat si baby. Need na namin i- give up ng fiancé ko. 8pm procedure ng operation ko. So far wala akong naramdaman pain as in tulog lang ako nagising ako sa recovery room naalimpungatan yata ako or what may gumigising sakin batang lalake mga 3 years old mga ganun. Tapos nakapa ko tyan ko maliit na. Umiyak n ako ng umiyak. Wala din pala v bata sa recovery room. July 19 sakto 12 Mn salubong birthday ng fiancé ko nagising na ako nagkaroon n ako ng lakas para tawagin ung nurse. Kinapa ko ulet puson ko d ako mapigila sa iyak. Naisip ko n baka anak ko na un nag papaalam na sakin Walang paglagyan itong sakin na nararamdaman ko. Kompleto n sa gamit si baby may pangalan na nga sya ei.. kompleto ako sa vitamins at gatas. Puro gulay at prutas kinakain ko. 12 weeks n daw si baby. Malayo sa Sinabing 8 weeks dahil sa laki ni baby. MASAMA pala na subra Kang excited. kaya sa mga first time mommy Sana alagaan Nyo sarili nuo. Kapag may spotting paconsulat agad . Congratulations sa mga mommy na nagkaroon ng chance maging ina. Wala ng sasakit pa sa nararamdaman ko ngayun.

2 Replies

Trending na Tanong