parant lang

lagi ko nalang nakikita na may picture sa cp ni lip yung babaeng nagustuhan niya dati. ilang ulit na. narinig ko pa dati sinabi niya habang umiinom sa labas "wala parin tatalo kay (pangalan nung girl)" tinanong ko siya kung bakit nasabi niya yun. biruan lang daw. inunfollow ko na sa acc niya yung girl pra di niya makita sa wall niya pero it seems na sinesearch niya kasi nasave niya nga mga pics nun eh before kasi kami nagmagkababy naghiwalay kme at alam ko naman na nakakalandian niya yun at aminado ako may nakalandian ako nun. pero nung nagbalikan kame at nagkababy wala na. buong atensyon ko nakay baby at sakanya na. nakakalungkot lang na talagang mataas paghanga niya dun. na lagi ako nagooverthink na baka naudlot sila dahil samin ng anak ko. maporma at maganda din kasi si girl samantala ako natadtad na sa tigyawat at di na maalagaan ang sarili dahil full alaga ako sa anak ko. dko mapigilan magisip na baka sa twing umiinom siya binabanggit niya parin yun sa mga kainuman niya na nasasayangan siya. ngayon nga sa kanila ako nakatira pero parang wala siyang pamilya kasi limited na nga lang oras niya dahil nagwowork siya aalis pa siya para uminom. nahihirapan na ako kasi paulit ulit nalang scenario namin. magsosorry sya papatawarin ko siya at okay ulet. tapos iinom at may makikita nanaman ako sa cp niya.. minsan gingawa niya naman din role niya bilang tatay, nagmamyday din siya pic ni baby pero minsan lang tapos kada bubuhatin niya si baby bibitawan agad dadahilaniya umiiyak sa kanya. nakakasama ng loob sobra.

1 Replies

TapFluencer

It's time po umalis kayo dyan. Dapat ang babae minamahal hindi sinasaktan. Kung feeling mo, unworthy ka, then find your self sa mga lugar at tao, stress-free yourself from pain. Wag kanang umiyak sa mundong pabago-bago may nagmagmamahal pa sa iyo na deserve mo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles