Pano kung papakasalan ka lang dahil nabuntis ka pero di ka naman talaga mahal?

Malapit na yung kasal pero lagi pa rin namin pinag aawayan yung babaeng kaibigan nya. Ganun ba kahirap iwasan yun? Gusto ko magalit sa girl kaso yung partner ko yung may kasalanan din. Lagi nya sinasabe na wala naman syang masamang ginagawa, pero iba yung pakiramdam ko. Madalas na kameng nag aaway dahil iba yung trato nya dun at ramdam ko na mas okay nalang sa kanya na mag away kame kaysa layuan yun. Nagiging toxic na ko dahil sa pinaparamdam nya sakin. Hindi ako ganito dati pero tang ina. Buntis ako tas alam nyang overthinker ako at may trust issues ako pero yung pag iwas lang sa babaeng yun di nya magawa. Nakakaiyak lang at nakakasama ng loob sobra, paulit ulit nalang.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang suggestion ko po, hold off the wedding until at least 2 yrs post partum. Sabi nga nila, avoid making any life changing decisions during pregnancy kasi dahil sa irregular hormones natin, chances are we are not really thinking as our true selves. Yung concern nyo ngayon, maaaring valid or pwedeng dahil sa hormones lang (we don't really know the full story). Kung talagang mahal ka nyan, magi-stay sya whether or not kasal kayo. Ayusin nyo muna lahat ng issues nyo bago kasal, dahil hindi magically maso-solve ang mga yan once na nagpakasal na kayo. On the contrary, baka lalo pa lumala. So advise ko po ay huwag muna magpakasal, focus muna kayo kay baby...

Magbasa pa

wag nyo po gawing rason ang kasal dahil buntis po kayo. kung ganyan po ang partner nyo at ngayon pa lang e wala ka mabuilt na tiwala dahil sa mga ginagawa nya wag mo na pakasalan. sabi mo nga di ka naman talaga mahal bakit ipupush mo pa? pwede nya pa din iapleyido sa tatay ang anak nya basta iacknowledge ng tatay na anak nyo sya kahit di kayo kasal. dont live your life like a hell pag kinasal kayo. kase kung nambabae sya ngayon after nyo ikasal possible nandyan pa din c babae tapos ikaw wala na lang magawa. wag mo gawing kaawa awa ang sarili mo in the long run.

Magbasa pa

bat ka pa magpapakasal kung ganyan? hihiwalay lanv kayo kayo kung sa una palang ganyan na yang lalaking yan. Kung talaga mahal ka nya at ang anak niyo di ka nya hahayaang umiyak habang buntis may side effect yan sa baby. sana ingat ka sa paghandle ng emotions. pray ka sa kalooban ni Lord.

Ganyan naman na pala nararamdaman mo tas ipupursige mo pang makasal?? Haha. Di pa nga kayo kasal ganyan ka na tratuhin,paano kung makasal na kayo?? Paano ka na??