Kwento ko lang mga moms sama nang loob ko sa kapatid nang asawa ko. 11 yrs old na yung batang lalaki pero ang nakaka-inis lang kasi natutulog na anak ko, ang lakas pa rin nang volume nang TV, pinagsabihan ko naman na hinaan pero parang walang narinig.
PS: isa lang po kwarto dito and magkasama po sila nang kapatid nya sa kwarto na yon, so no choice kami nang anak ko & one more thing, ayaw po kasing matulog nung bata sa kwarto nila at mainit po at bawal po kasing mag CP yung bata at yung mata po e parang naduduling kaka-CP pero walang paawat, pinag-bawalang mag CP panay naman po ang nood sa Smart TV nila puro Youtube kaya wala rin. Kaya ang siste, dito po kami nang anak ko sa baba kung saan nandon po yung TV na pinapanooran nang kapatid nya.
Kainis lang po, alam ko naman pong bata pero tama po ba yun? Para pong walang pinag aralan e, spoiled din po kasi sa magulang kaya ganito e tas sobrang tamad pa, panay pa ang halik at lapit sa anak ko e kahit po walang ginagawa e maamoy na yung bata, sinabihan na nung asawa ko na mag toothbrush, mag tawas na pero yung nanay nila e sinasabi e normal lang daw yon wala raw amoy anak nya. Lol, normal lang po ba sa batang lalaki na 11 yrs old ang ganito? Sobrang nakaka-bastos naman po kasi sa part namin nang anak ko e, di ko po kaya magtiis sa pamilya nila.
Salamat po sa mag advice at mag comment. Appreciated po talaga.
Anonymous