βœ•

Barkada vs Pamilya

Kulang na lang makisabay ako sa trending ngayon na iT r3alLy hUrTz dahil laging inuuna ng asawa ko yung mga barkada nya. Grabe. Lagi ko naman syang pinapayagan makipag inuman sa mga barkada nya dahil gets ko naman na way nyo yon to unwind from the stress of work pero grabe ngayon. 2 weeks ko syang sinasabihan na wag gumawa ng lakad ngayong 13 dahil magkakaron ng handaan samin dahil birthday ng inaanak ko. Ginawa namin sa bahay ng parents ko dahil senior na sila at may mga kanya kanya naman kaming sasakyan kaya di kami mahihirapan sa byahe. Sabi ng magaling kong asawa, birthday ng inaanak nya. Ang unang usapan namin, lunch dito sya sa amin para man lang mawitness nya yung pag blow ng candle ng bata. Gabi na lang sya sa inaanak nya eh tutal naman inuman lang ang pupuntahan nya talaga. Kaninang umaga lang bigla nagbago isip nya, lunch na lang daw sya sa inaanak nya at uuwi sya ng alas kwatro para makahabol kahit papano. Sobrang galing nya sa oras at ginabi na sya hanggang ngayon wala pa. Di matawagan, di sumasagot sa mga text at chat. Hay. Di ko alam kung mastress ako o malulungkot dahil pang ilang beses na nyang inuna ang mga barkada nya kaysa sa amin. Hindi po ako OA dahil nag FB live pa yung isa sa mga barkada nya at umiinom sila at yung magaling kong asawa ang saya saya pa. Kahit kasal kami ng lalaking to di ako magdadalawang isip na iwan sya kung ganito parati. 8 months pregnant ako pero ako pa umaasikaso sa lahat. Paano na lang pag lumabas na anak namin? Hay buhay.

1 Replies

same here sis.. d nagtagala iniwan ko din.. ang pinagsisisihan ko.. sana noon pa png iniwan ko na.. d ko na pinatagal ng 10yrs bago ko iwan.. napaka martir ko noon.. kala ko magbabago pa sya 😭 pero masaya na ko ngaun sa bago ko.. malayong malayo sa knya

Maiiyak ka na lang talaga sa sobrang katangahan sa lalakeng walang pakealam. Imbis na mag ipon para sa bata, inuubos pa lagi ang pera. Pang check up ko wala syang pera. Pero pambili ng alak meron. Naubos na ang pera ko kakabigay sa kanya. Ang tanga ko grabe. Nakikisabay pa mama nya na akala mo nakakakuha ng empleyado sakin kung maka utos. Siya na may kailangan, gusto ako pa ang pupunta sakanya. Nung kasal nga namin ang dami pangako. Ang dami request. Lahat pinagbigyan namin dahil siya naman daw ang magbabayad. Mag iisang taon na mula ng ikasal kami pero kahit singkong duling wala syang binigay kaya nagkabaon baon kami sa utang. Mabuti na lang at bayad na lahat. Ang dami kong rant. Sorry momsh. Punong puno na talaga ako. Gusto ko na lang magpakalayo layo, mamuhay na kami lang ng anak ko.

Trending na Tanong