PARA SA MGA MAMSH NA INAAWAY OR MAY MGA MISTER NA NADIDISAPPOINT DAHIL SA GENDER NI BABY

Konting kaalaman po. Dami ko kasing nababasa na ganitong scenario dito. Naaawa ako sa mga kapwa ko babae dahil wala naman tayong kontrol sa sitwasyon. Eto po pakisabi sa mga LIP or hubby ninyo. Mejo long read pero worth it po, paki intindi po mabuti :) Ang gender po Ng baby ay nadedetermine sa sperm Ng lalaki. Tayong babae po ay chromosome X lang meron. Ang sperm ng lalaki ay either chromosome X or Y depende sa ilalabas nya at any given time. Pag X nilabas nya at na match sa atin XX po un or GIRL pag Y nilabas nya XY sya or BOY. What's my point? Point is, you are not to blame. Hindi ko din sya sinisisi dahil gift ni Lord and baby, pero Ang malinaw Lang, sobrang laki Ng chance na Kung mag buntis ka man ulit pwedeng babae ulit or lalaki ulit dahil HINDI KONTROLADO NG MISTER OR LIP ANG ILALABAS NILA. Kaya nga po tinatawag na RANDOM MIRACLE OF GOD Ang baby, Kasi you never know what you will get, no matter how many scientific intervention pa gawin nyo. Kausapin po natin mga asawa or LIP natin at I explain sa kanila ang katotohanan ng bagay na to, para malaman po nila na Ang pagbubuntis Ng babae ay isang sugal. SUGAL NA WALANG TALO. dahil biyaya ni Lord Ang mga Bata sa atin. Nagka miscarriage na Kasi ako before And now that I am pregnant again kahit babae o lalaki ipagpapasalamat ko Basta healthy Ang baby. Minsan Kasi Hindi lang siguro natin nakikita Ang halaga Ng bagay pag feeling natin Madami tayong option. In this case, please let your husband know that your baby fought his/her battle already. Mula sa pakikipaglaban Ng sperm sa napakarami pang sperm para marating Ang Egg cell mo, hanggang sa pag survive nya ng ilang crucial weeks Ng development hanggang ngayon. He/she is already a champion, Kung tutuusin pwede namang di matuloy development nya at magka miscarriage ka pero Hindi. Kasi nga CHAMPION sya ni Lord. The least we could do is be proud parents of our little warrior. :)

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Here is a little something to prove my point

Post reply image