Kelan pwede pakainin ng may lasa si baby?

Kelan po pwede pakainin si baby ng may timpla na ulam like mga adobo, tinola, nilaga, etc.? Tinatanong kase ako ng asawa ko kelan daw sya pwede pakainin ng mga ganun. Puro daw kase walang lasa mga kinakain nya at inuulam. 😅 Salamat po sa pagsagot.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

At least 1 yr but try to hold off for as long as you can. Ang purpose kasi ng pagpakain ng matatabang ay para hindi maging picky eater si baby. Parang sa ating adults, kapag nasanay sa maalat ang panlasa mo, kapag hindi maalat ay hindi na masarap para sayo. So kung confident na kayong kakainin naman ni baby kung anuman ang ipakain nyo sa kanya, then go ahead. The idea is kung ano ang kinakain nyo as a family (assuming you guys eat healthy), then iyon din ang pagkain ni baby, including fruits and vegetables.

Magbasa pa