mother in law

May katulad kaya ako dito na palaging sinasabihan ng pangit ng MIL ang anak. Palagi nalang nya sinasabihan ng pangit, blackie, bulldog, brownie, at lahat ito sinasabi nya kahit ako ang may karga sa baby ko at naririnig ko. Kanina umaga sa harap pa ng ibang tao, paulit ulit nya tinawag na pangit pangit pangit yung anak ko. Di po ako nagsasalita kasi currently, sa kanila kami nakatira (thankfully, ilang days nalang magkakaroon na kami sarili place to live separate from them) and out of respect na din dahil matanda na sya, 70 yrs old, and syempre nanay sya ng mahal ko. Sobrang sakit lang minsan kaya di ko maiwasan pansinin. Eto po pala si baby, 3 months old na. 3 buwan nya na rin sinasabihan ng kung ano anong masakit sa pandinig.

mother in law
686 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

next time harapan mo ng salamin momsh 🤣 san banda ba pangit yan? jusmiyo marimar baka siya ngetpa buti MIL ko di ganyan.. sabi ng MIL ko si baby mukhang anak ng celebrity, ganda ganda haha gawa pa nga daw kami isa kasi ganda combo 😅

deadma ka na lang momshhh ,sbi mo nga malapit na kayo makahiwalay sa kanya ng tirahan.ska sa mata ng karamihan ang cute ni baby nyo po hayaan nyo na lang si MIL nyo kapag nakalipat na kayo for sure ma-miss nya si cutie little boy nyo 😘

Hala nakakaloka naman apo nya Yan. kapag anak ko sinabihan Ng blackie at pangit Hindi ako makakapag timpi. anyway nasan ang bulldog dyan eh ang cute nga Ng anak mo. sabihan mo ang partner mo na pagsabihan ang magulang nya. Hindi Tama yan

VIP Member

Every baby deserve to be loved. God's gift! Isa pa cute cute ng baby moooo. Cheer up! Okay lang nirerespeto mo mother in law mo, pero normal satin masaktan syempre dinala mo yan ng ilang buwan tapos pagsasalitaan ng ganun!! Love loveeee

Wag nyo na po pansinin MIL nyo. Dala na lang po ng katandaan nya yun kaya ganun nasasabi nya. Ako, kasama ko sa bahay si lola kasi walang ibang bantay, ayun napaka kulit niya kaya sobra sobrang pasensya at pagunawa nlng gngawa ko. 😅

Haist hayaan mo na lng momshie, ang importantante aalis n rin kayo jan, basta whatever you feels keep it to yourself para may graceful exit kayo jan sa house ng inlaws mo. Better na mgpakita ka ng kabaitan kahit ganyan nanyayari☺️

grabe naman sila sa pagsabi ng pangit. ang bad naman. dapat pagusapan niyo ng hubby mo yung scenario na ganyan para siya ang magsasabi sa nanay niya. wag ka maniwala sa sinasabi nila momshie kasi your child is so precious and lovely!

Grabe naman po byenan mo,ang pogi kaya ng baby mo.. minsan sagutin mo byenan mo pero in a nice way kung bakit ganon sya sa apo nya, nasasaktan kana kamo,ano bang problema nya, kawawa naman si baby tuloy,grabe sya ,makakarma din sya

Bulag ata sia sis eh. Ang cute kaya ng anak mo. Nu bang klaseng lola sia... bakit ganon magsalita..dapat nga matuwa sia sa apo nia eh. At malusog...tapos sa harap pa ng ibang tao sia magsasalita ng ganon... dpt magisip man lng sia

Cute cute nga po ni baby boy eh☺️ hayaan nyo nalang po mommy matanda nadin po kasi kaya ganyan. Basta wag nyo nalang pong pansinin tsaka kung alam nyo po sa sarili nyong di totoo hayaan nalang po. Cutie nga po ni baby eh🥰