mother in law

May katulad kaya ako dito na palaging sinasabihan ng pangit ng MIL ang anak. Palagi nalang nya sinasabihan ng pangit, blackie, bulldog, brownie, at lahat ito sinasabi nya kahit ako ang may karga sa baby ko at naririnig ko. Kanina umaga sa harap pa ng ibang tao, paulit ulit nya tinawag na pangit pangit pangit yung anak ko. Di po ako nagsasalita kasi currently, sa kanila kami nakatira (thankfully, ilang days nalang magkakaroon na kami sarili place to live separate from them) and out of respect na din dahil matanda na sya, 70 yrs old, and syempre nanay sya ng mahal ko. Sobrang sakit lang minsan kaya di ko maiwasan pansinin. Eto po pala si baby, 3 months old na. 3 buwan nya na rin sinasabihan ng kung ano anong masakit sa pandinig.

mother in law
686 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

That's really sad naman Mommy. Know that your baby is a Child of God. Siya ay maganda/gwapo. Di lang talaga natin ma please lahat ng tao, maski in laws natin. 😔 Pero laban Mommy! You're your little one's world. 💪🏼❤️

wala naman talagang pangit na anak sa mata ng magulang lalong lalo n sa nanay 🥰 kung s tingin ng iba pangit c baby, sa mata ng ina kahit n anong itsura p yan sa nanay maganda talaga s paningin 😂 tama po ba ako mga mamshie

ako pag sinasabihan na panget anak ko, binabara ko agad. "Panget ka daw baby? Don't worry, ikaw ang pinakacute at pinakamagandang baby sa buong mundo para kay mommy." Para magets nila na di ko tinotolerate yung negativity. Char

Ang sakit nmn..ako dati may tumatawag ng "simang" simang lang ha naiinis na ko..gnyan pa kaya pang-aso ung tinatawag..ngayon 3years na bebe ko..pumuti na xa..gumanda at matalino pa..palampasin mo nlng..everything is temporary..

napakacute nga ng anak mo mamshie. dami talagang mil na luka luka. my mil naman calls my daughter negra though di naman lagi at di ganun ka offensive ang dating pero kahit na apo nila diba. kamukha nga nya (unfortunately) hahaha

4y ago

ung lola naman ng asawa ko tawag sa anak namin bruhilda 😂 grabe hanggang sa huking araw niya dito sa bahay namin yun tawag niya, di man lang niya alam pangalan ng anak namin 🤣

napaka naman ng matanda na yan. pag ako ssabhan ko ung asawa ko ng mga pinagsasabi ng mama nya.. para sya ang mgsabi. masakit kasi un pra sa ating mga ina. hayaan mo momsh, lapit n kau umalis jan.. be patient . God bless

sinasabi nya lang yung para my masabi lang minsan ganyan din ako sa pamangki. kahit d nmn panget nag aasar lang ..nanay ko din ganya. sa anak ko kaya wag ka mainis alam nila maganda anak mo gusto lang tlga nila mag trip

cute naman po ng baby mu ah...masakit nga po para sa isang ina na masabihan ng mga ganung salita yung anak naten..pero hayaan nalang po naten..wag nalang po naten pansinin..pakamahalin nalang po naten mga baby naten..

Sa bahay namin lagi namin sinasabihan anak ko na pangit, unggoy ganun. Hahaha para daw di mausog. Hahahah 😂 basta alam ko naman sa sarili ko at nakikita naman na beautiful ang anak ko. ☺ stay positive momsh! 😘

Sabihan mo ng medyo firm at may respeto pa din. Example “kahit panget po anak ko sa paningin nyo, lalaki naman sya mabait at mapagmahal” in a nice way, in a malambing way. Para mapa isip din ang mother in law mo.