mother in law

May katulad kaya ako dito na palaging sinasabihan ng pangit ng MIL ang anak. Palagi nalang nya sinasabihan ng pangit, blackie, bulldog, brownie, at lahat ito sinasabi nya kahit ako ang may karga sa baby ko at naririnig ko. Kanina umaga sa harap pa ng ibang tao, paulit ulit nya tinawag na pangit pangit pangit yung anak ko. Di po ako nagsasalita kasi currently, sa kanila kami nakatira (thankfully, ilang days nalang magkakaroon na kami sarili place to live separate from them) and out of respect na din dahil matanda na sya, 70 yrs old, and syempre nanay sya ng mahal ko. Sobrang sakit lang minsan kaya di ko maiwasan pansinin. Eto po pala si baby, 3 months old na. 3 buwan nya na rin sinasabihan ng kung ano anong masakit sa pandinig.

mother in law
686 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

intindhin muh nalang momsh.. una nanay siya ng mahal muh. at matanda na. nasa stage na siya ng dapit hapon. baka para sa kanya yun ang lambing niya sa anak muh. isipin muh nalang po na walang Angel na panget. lahat sila bigay ni God at my purpose sa buhay naten.

Magbasa pa

Yung mil ko mabait naman kaso pintasera..kahit sariling apo nya napipintasan nya. kaya pinagdasasal ko na sana cute yung baby ko. At makuha sken tangos ng ilong, para talo sila. Ahaha.pero wag ka mag alala momsh, cute naman si baby mo. Ang ganda nga ng mata e

Every baby is a blessing, its a gift from the Lord.. Lahat special.. Tama lang po ginagawa mo.. Respeto nlang po ibigay natin sa mga biyanan natin o sa kahit sinong nkakatanda sa atin.. Ang mahalaga mahal natin ang mga anak natin.. Always think positive po..

Pag anak ko sinasabihan ng negra kahit pabiro nagagalit ako.. Ayan pa kaya! Jusko. Maitim kasi anak ko noon pero pagtungtong niya ng 3 months pumuti na. Ang sakit kaya bilang magulang na laitin anak nila. Feeling ko ako yung nilalait ako yung nasasaktan 😣

Tiis nalang muna Mamsh . mahirap mag iwan ng bad impression sa byanan mo . Don't worry , time will come , she'll regret every bad thing na gngawa nya sa inyo ng anak mo .. Respetuhin at unawain mo padin kahit na ganu kasama ugali nya . Konting tiis lang.

Hindi nman ang pangit baby mo ang cute cute nga chubby sarap lamugin kiss. Baka namn biro lang ng byenan mo un. Bulldog ibigsabihin mataba ang baby mo cute un, O bka sa katandaan nman kaya ganyan ugali byenan mo nakakapgsalita d iniisip kung makakasakit

Hala baka po malabo na mata ng MIL nyo po sa katandaan nya, mawalang galang na lng. Cute kaya po ng baby nyo πŸ₯°πŸ˜ Kausapin nyo po ng mabuti, kund hindi, alis na lng po kau sa kanila as soon as possible. Mahirap lumaki ang bata sa gnyang negativity.

Yung lola naman ng anak ko sinasabihan panget pango,lagi pinupuna di pa nakalakad 9months na,dapat laging sinasabi sa bata proud sila hindi yung nakaksama ng loob sa bata.dahil dito din kame nakatira wala akung magawa kundi tahimik nalang.

Bakit gaano ba kaganda tingin sa sarili nyang mother in law mo? Kung pangit sa paningin nya si baby, di ba nya naisip na apo nya yun at kanino ba yun nagmana? Pero hindi pangit si baby ah. Pangit lng ugali at lumalabas sa bibig ng mother in law mo.

Sakin naman yung lola ko. Pero hinaharot lang like pangit ba yang baby na yan? Wala namang kaso sakin kasi harot lang naman. Minsan hinaharot ko din na mukhang bulldog pag nakasimang. Pero alam ko na cute lahat ng babies. Eto yung baby ko πŸ˜…

Post reply image