Katniss Averie
EDD: Jan 9th based on LMP
DOB: Jan 11th
Weight: 3.8 kgs via normal spontaneous delivery
Around 6am ng may na fifeel akong something sa lower abdomen ko. Hindi naman masakit pero unexplainable feeling na nawawala every 5 mins so tinanong ko yung ate ko kung ano ba yung feeling na parang ng lalabour na sabi nya masakir daw yung puson at balakang. Sabi ko, ah baka kabag lang to kasi hindi ako ng kumot that night. Pero paulit ulit na mga 5 beses e sabi ng ate ko baka nga lalabour na ako. Nakarating kami sa hospital ng 6:22am and every 3 mins na yung interval. Hindi sya masakit pero ng ko contract yung tiyan ko and nung ini-i.e. na nasa 6cm na pala and by 10am pinapasok na ako sa delivery room. Pinapa ire na akong nung midwife sabi niya need ko daw ilabas yung tae sa puwet ko para mabalance at makalabas agad si baby. Ire lang ako ng ire lagi nyang sinasabi meron pa daw tae mg 1 hr na akong umiire sa isipan ko "kelan ba ako pa iirehin nito na bata na yung ilalabas" . Tapos sabi nya Good job mommy. Ang galing niyo pong umire kasi nag didlate yung pwerta niyo and nahahawakan ko na ulo ni baby. Ire ka lang po para mailabas natin yung natitira pang tae sa puwetan niyo marami pa kasi pero habaan niyo na this time and pagmasakit pa tiisin niyo lang and iire niyo.
Tapos sinabihan nya yung isang kasama nya na tawagin mo na si Doc. Nakikita ko na buhok ni baby.
Pagkarating ng ob ko sabi nya:
Oh akala ko ba magaling tong umire bakit may tae pa sa puwet mo iha. Sige ha i ire mo ng malakas tapos tutulungan kitang ilabas tong tae para makalabas agad si baby. May pagka strikta kasi tong ob ko kaya naman tinodo todo ko na yung push (saka takot ko lng masabihan nya na i cs ako) after ng 10 sec hinga ulet then push the bigla ko nalang na fi feel na parang lumabas sa pempem ko and narinig ko talaga yung pagka hiwa ng pempem ko abot hanggang puwitan.
Hindi ko ini expect na baby ko na pala yun kasi wala naman silang sinabi na mg push ako para mailabas na si baby. Ang sabi lng ni doc para ilabas yung tae sa pwet ko.
Anyways, ng bleed pala ako and na injectan ng worth 2k na pampa stop ng bleeding sa laki ng hiwa ko. Na oxygen din ako and was monitored until 5pm.
Thankful ako sa midwife ko na sobrang bait and ang galing nya mag instruct. Sabi nya mataas daw yung pain tolerance ko. Umiire lang kasi ako and hindi ako sumisigaw. Hindi naman talaga kasi masakit. Sguro kasi naka mindset ako and ni ready ko sarili ko sa pain na mararamdaman. Sabi ng ate ko yung pain daw habang nag la labour sobrang sakit sa balakang, sa likod and sa puson pero yung sakit ko na naramramdaman sa puson lang.
Good luck po sa ibang mommies na manganganak.
TIPS:
Tikom lang bibig and yung hinga ng hangin sa loob lang. Huwag pong ibuka ang bibig mga mommies para ma conserve po yung energy niyo po.
Effective po yung mindset na i normal yung panganganak niyo po. Huwag kayong mag isip na ma c-cs kayo. Lagi niyo pong isipin na makakaya niyo yung pain and ma i normal si baby.
Kausapin lagi si baby na tulungan kayong ma i normal.
Through out my pregnancy wala akong morning sickness and sobrang dali lang ng pag bubuntis ko. Single mom kasi kaya siguro naawa si Lord and si baby ko.