Katniss Averie

Katniss Averie EDD: Jan 9th based on LMP DOB: Jan 11th Weight: 3.8 kgs via normal spontaneous delivery Around 6am ng may na fifeel akong something sa lower abdomen ko. Hindi naman masakit pero unexplainable feeling na nawawala every 5 mins so tinanong ko yung ate ko kung ano ba yung feeling na parang ng lalabour na sabi nya masakir daw yung puson at balakang. Sabi ko, ah baka kabag lang to kasi hindi ako ng kumot that night. Pero paulit ulit na mga 5 beses e sabi ng ate ko baka nga lalabour na ako. Nakarating kami sa hospital ng 6:22am and every 3 mins na yung interval. Hindi sya masakit pero ng ko contract yung tiyan ko and nung ini-i.e. na nasa 6cm na pala and by 10am pinapasok na ako sa delivery room. Pinapa ire na akong nung midwife sabi niya need ko daw ilabas yung tae sa puwet ko para mabalance at makalabas agad si baby. Ire lang ako ng ire lagi nyang sinasabi meron pa daw tae mg 1 hr na akong umiire sa isipan ko "kelan ba ako pa iirehin nito na bata na yung ilalabas" . Tapos sabi nya Good job mommy. Ang galing niyo pong umire kasi nag didlate yung pwerta niyo and nahahawakan ko na ulo ni baby. Ire ka lang po para mailabas natin yung natitira pang tae sa puwetan niyo marami pa kasi pero habaan niyo na this time and pagmasakit pa tiisin niyo lang and iire niyo. Tapos sinabihan nya yung isang kasama nya na tawagin mo na si Doc. Nakikita ko na buhok ni baby. Pagkarating ng ob ko sabi nya: Oh akala ko ba magaling tong umire bakit may tae pa sa puwet mo iha. Sige ha i ire mo ng malakas tapos tutulungan kitang ilabas tong tae para makalabas agad si baby. May pagka strikta kasi tong ob ko kaya naman tinodo todo ko na yung push (saka takot ko lng masabihan nya na i cs ako) after ng 10 sec hinga ulet then push the bigla ko nalang na fi feel na parang lumabas sa pempem ko and narinig ko talaga yung pagka hiwa ng pempem ko abot hanggang puwitan. Hindi ko ini expect na baby ko na pala yun kasi wala naman silang sinabi na mg push ako para mailabas na si baby. Ang sabi lng ni doc para ilabas yung tae sa pwet ko. Anyways, ng bleed pala ako and na injectan ng worth 2k na pampa stop ng bleeding sa laki ng hiwa ko. Na oxygen din ako and was monitored until 5pm. Thankful ako sa midwife ko na sobrang bait and ang galing nya mag instruct. Sabi nya mataas daw yung pain tolerance ko. Umiire lang kasi ako and hindi ako sumisigaw. Hindi naman talaga kasi masakit. Sguro kasi naka mindset ako and ni ready ko sarili ko sa pain na mararamdaman. Sabi ng ate ko yung pain daw habang nag la labour sobrang sakit sa balakang, sa likod and sa puson pero yung sakit ko na naramramdaman sa puson lang. Good luck po sa ibang mommies na manganganak. TIPS: Tikom lang bibig and yung hinga ng hangin sa loob lang. Huwag pong ibuka ang bibig mga mommies para ma conserve po yung energy niyo po. Effective po yung mindset na i normal yung panganganak niyo po. Huwag kayong mag isip na ma c-cs kayo. Lagi niyo pong isipin na makakaya niyo yung pain and ma i normal si baby. Kausapin lagi si baby na tulungan kayong ma i normal. Through out my pregnancy wala akong morning sickness and sobrang dali lang ng pag bubuntis ko. Single mom kasi kaya siguro naawa si Lord and si baby ko.

Katniss Averie
34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mamshiee💚💚 Ako naman nilabasan na ako ng mucous plug pagdatng namin sa hospital 2cm pa lang ako then, pinapauwi na muna ako😭. Halos gumuho mundo ko sa sobrang sakit ng puson ko na para bang tatanggalin buong laman loob ko😂. Halos 12hrs akong naglalabour. Sinabihan ako na pag sumakit puson ko sabayan ko daw ng ire😂. Kumain muna mga ate ko sa jollibee pinapainggit nila ako that timw hahaha kumain pa nga ako pero pagkatapos ko kumain minuto lang natatae ako tapos pag punta ko ng cr ayun nakatae ako color black pa😂😂 pag punta na ulit namin ng hospital 2cm parin kaya lumabas na lang muna ako sa er don ako sa labas naglalakad tas humawak ako sa poll ng er para akong tanga daig ko pa poll dancer HAHAHAHA. Pag sumasakit sa poll ako humahawak. Hanggang sa nanghina na talaga ako tapos aroung 7:54 am pumutok na panubigan ko dinala agad ako sa er sabay IE full na daw. Kaya nakahiga ako tas pinalitan ng it sabi ko pa pwede po humingi ng tissue? Kasi ipupunas ko po sa itim na galing sa pwetan ko😂 sabi ng doctor kami na bahala jan maam. Ayun 3pushes lumabas na agad baby ko.

Magbasa pa
4y ago

Oo nga e. Sabi nga ng doctor ko magaling daw ako umire

Yung akala mo tumatae ka lang pero nanganganak kana pala sana kayanin ko kasi naman imbes na pagaanin ng midwife loob ko mas inaano niya pa ako na baka ma emergency cs daw ako kasi bata pa daw ako and di marunong umire baka daw madepress yung baby pero dahil sayo lumalakas loob ko na mainormal delivery ko siya😇🙏

Magbasa pa

Congrats sis hehehe parang ganyan din gagawin qo ehh kasi napanood qo kasi si mama na pinanganak nya pang apat na kapatid ko☺walang ingay sa center ngaun nanganak kasi takot sa hospital☺thanks for the tips sis☺ By the way po masakit ba ung hiwa,

VIP Member

38weeks now, 3.2kls na daw si baby sa tummy ko sana daw lumabas na para di na lumaki pa at ng ma i-normal ko 😬😅 hehe!! Lagi ako natatae lately, normal lang ba to? Or medyo masyado lang ako nagiisip kaya kinakabahan.at natatae 😂😂

Congrats mommy, sana all. Currently 38 weeks din ako. Mataas pa daw si baby at closed cervix pa pero hoping and praying din for normal delivery. 🙏🙏🙏🙏🙏

4y ago

Kaya yan sis.. Kausapin mo lsng si baby. And huwag mg concentrate sa pain kundi sa pag ire

Parehas tayo may nararamdaman ako ngaun ganyan pero Di masakit iniintay ko pa Yung saket na sinasabi nila bago ako nagpadala sa hospital baka kasi pauwiin lng ako

4y ago

Sis kung yung interval nasa 5 to 10 mins yan na yan..

VIP Member

Yun po kc ang tamang pag ire parang tumatae ka lang kya un ang ininstruct since FTM dpa tayo marunong umire.. Congrats mamsh ganda ng baby mo 😍

Thank u po sa tips. And atleast napagaan loob ko po kc 3.3 kls si baby as of 38n4. Ayoko rin po kc maCS. Thank u and congrats po

You're so blessed sis sana all .hehe first pregnancy ko din 2mos palang kabado pa ko sana makaya ko manganak hehe ..

4y ago

Noted sis. Slamat 😊

VIP Member

Naku. Naalala ko din nung nagllabour na ko. Sabi umire lang pag natatae na. 😂😂 Congrats mommy. Jan 10 naman ang baby girl ko.

4y ago

Mgkasunod lang pala tayo. Congrats saten sis!