1 Replies

Kung ako yan sis, umuwi na ko sa magulang ko. Wala palang tiwala sakin e. Haha. Pero kidding aside, kung kaya nyo po yan pag-usapan at kaya nyo maipaliwanag sa kanya yung point nyo, gawin nyo. Iba-iba kasi ang mga buntis. Meron ka ring na-witness na hindi maganda at valid yun na dahilan kung bakit mas gusto mo sa private. Ang gagawin na lang ng asawa po ninyo ay makinig at umunawa. Ayoko po sana mag-judge pero sasabihin ko na. Base po sa words na ginagamit ng asawa nyo ay mukhang may insecurity sya. Posible pong hindi sya aware dun. Baka po kasi may better job kayo o better salary kesa sa kanya. Baka rin po naco-compare nya ang life nyo sa ibang couple na mas maayos ang buhay o mas napapasunod ng lalaki ang asawa nila.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles