share lang po

Katangahan or kabobohan hahha Na meet ko si vince (not real name) college ako nun parehas kaming working student masaya kami 6months nun pinakilala nya ko sa family nya ako magdecide na wag muna ako ipakilala wala lang kasi takot ako sa mommy nya hahaha. Umabot kami ng taon 5years pero nung 4 years palang on and off na kami hanggang na nalaman ko may iba na pala sya dati nyang classmate nung high school. Masakit sobra kasi sa 5years namin tinapon nya lahat. Nilagawan na nya dati yun pero nabasted tapos nagkita ulit sila sa reunion ayun niligawan nya ulit. Habang split na kami nun time na yun naging sakitin sya dahil sa work nya ako tinatawagan nya na pumunta sa bahay nila ewan ako naman si tanga sige punta.hindi nya pa pinakikilala yung bago nya nun sa parents nya umabot ng 1 year puro ganun set up namin haist hirap. Dumating pa yung time na sinugod sya sa hospital ako tinawagan ng mommy nya buti nalang pinagamit samin yung leave namin kaya naka punta agad ako.yung kapatid nya na bunso alam nya na break na kami ng kuya nya.pero hindi nya din sinasabi sa parents nya. Ang sakit na makita na nahihirapan si vince naiyak ako nun kaya kahit unfair sa gf nya pumayag ako sa hiling ng mommy nya ako magbantay dahil may inaasikaso sila sa work para pnagbayad sa hospital tapos mga kapatid nya nag aaral. Nag post mommy nya na nasa hospital si vince and na mention name ko nun nag thank you sya nà ako nag aalaga kay vince. Siguro nabalitaan ng gf nya kaya kinabukasan nagpunta sila dun kasama ng iba nilang tropa ang awkward ng feeling naguguilty ako na ewan. Bigla ko nalang sya kinausap nun na. Sorry tinawagan kasi ako ng mommy nya wala naman ako karapatan na para hawakan cp ni vince. Hindi sya nagsasalita tapos sabi ko sige ikaw na magbantay sabihin ko nalang kay tita may emergency sa work.ko. Umalis ako nunkahit masakit malapit lang naman borading house namin sa hospital na yun. Kaya nagulat ako nun yung land lady namin tinawag ako may naghahanap sakin at yung mommy ni vince nagdala sila ng food and medicine.nasabi daw kasi ni vince sa kanila na sumama pakiramdam ko kaya umuwe muna ko. Nag tanong ako sino nagbabantay sabi ni tita. Mga kaibigan daw ni vince so I think kasama gf nya. Tom.nun may nagchat nakita ko name ni love. Oo love parin name nya . Punta daw ako dun nagmamakaawa sya ako naman nataranta punta agad tapos ayun ok na pala sya kinabukasan uuwe na ako daw gusto nya kasama kapag uuwe na sya. Hindi ko alam ano nangyayare pero bakit ang saya ko. Hanggang sa nalaman ko nag break na sila ng gf nya tapos ayun gumaling sya nanligaw ulit sakin naging kami hanggang sa kinasal na kami at nagka baby.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

destiny nga naman mommy... congratulations...