Husband Duty

Kasama niyo ba lagi si husband tuwing prenatal check up niyo? In 9months si husband kasi naka 3x pa lang ako sinamahan. Due to his schedule bawal weekend. Wala lang, naingit lang ako sa mga kasabay ko. Ugh! Emotional attack! ?

460 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako nasamahan ako once lang kasi my hubby works overseas. Kaya be strong lang talaga. Swerte ka nga mamsh kasi andyan lang si hubby mo. No need to worry about it. As long as responsable nman sya as a husband in many matters.

Yes. Cmula ng nalaman namin ng hubby ko na pregnant nako kasama ko na sya sa lahat ng check up. Every check up ko kasi palaging may ultrasound kaya excited kami palagi 😍 Sorry naka emoji face namin shytype lang po 😝

Post reply image

Im lucky to have my husband, kasi ayaw niya na hindi siya makasama tuwing check up ko kahit na may work siya or kapag minsan night shift siya then pag uwi niya ng umaga wala pa siyang tulog pero sasamahan niya parin ako.

Ako mommy no po. Kc po tight ung schedule ni hubby eh pero qng pwede nya lng ako smahan sasamahan,nya tlga ako... Iintindihan q naman sya khit pa gsto nya sumama kazo hndi kc need nya mag,work pra sa baby namin

VIP Member

nung nandito siya everycheck up kasama ko siya , but since need nya umalis to work for us ako nalang palagi :), okey lang yan sis if work naman ang reason intindihin mo nalang ang importante support sayo si hubby sa ibang bagay :)

Hindi naman po kailangan. Hehe ako nga simula2 ngbuntis ako di nya ako nasamahan magpacheck up kasi busy sa work. Tska okay naman for me kasi kaya ko naman . Basta ang importante support ka nya sa ibang bagay at hindi kapo pinapabyaan .

ako ok lang kumg samahan ako or hindi.. may work.hubby ko sa panahon ngaun need ang pera kelangan kumita.. pero pag wala xa.work sinasamahan naman niya ako.. saka dalaga palang ako independemt na tlaga ako kaya ko lumakad magisa haha..

yes lagi ko syang kasama... dahil nadin sa ayaw nya kong mag commute... baka daw matagtag si baby kaya lagi nya kong sinasamahan para mapag drive nadin. tinataon nalang namin na weekends para wala syang work hehe.

Ako nga mamsh mag isa sa lahat ofw kasi si hubby . Naiingit din ako sa mga kasabay ko nung nag pa 3d scan ako kasi lahat sila kasama yung hubby nila ako yung two year old ko kasama ko nakatulog pa sa sofa. 😢

2 or 3x lang ako nasamahan ng asawa ko sa checkups ko nung buntis ako mamsh, for me ok lang naman kc may pasok sya sa work, at need kumayod lalo nung time na yun kc madaming kelangang bayaran at pagipunan para sa paglabas ni baby 😊