Karga nya pa si baby. Masama pakiramdam ko. Paggising pa lang nya badvibes na agad. Tapos ginawa na naman nya yung ayaw na ayaw ko habang kumakain: manuod ng video.
Ilang beses na ko nakiusap dati kung pwede walang gadgets sa mesa. Sige nitong nakaraang week sabihin na natin kailangan manuod ng news pero may tamang oras naman para dun.
Kahapon nakiusap ako baka pwedeng linisin nya yung porch at ayusing ang aircon ksi yung ginawa nyang frame ng aircon gawa lang sa cardboard eh punit punit na.
Ako pa rin ang naglinis ng porch kaninang umaga. Iniwan ko baby sa crib pero shempre after ilang minutes umiyak na, hndi naman ako agad mkapunta kasi maalikabok ako, kailangsn kong maligo muna.
So anyway eto nga masama pakiramdam ko pero sinabayan nya init ng ulo ko. Dami ko nasabi. Nasabi ko yung gusto kong sabihin matagal na - na baka mas maigi pang single parent na lang ako para wala akong inaasahan.
Napakabasic lang naman ng ginagawa nya eh pero nirereklamo pa nya. Oo nga sya ang kumikita sa aming dalawa pero yung napakaraming detalye sa arawaraw na dapat asikasuhin ako naman gumagawa. Tapon ng basura, magluto, magerrands at kumita ng pera pang ang kanya. Lahat na ng detalye akin na.
Maghugas ng pinggan big deal sa kanya. Magpalit ng diaper ng baby kung pwedeng iwasan iiwasan nya talaga. Gsto ko sana ng magkasama kami pag magpapaligo kay baby pero ayun, kinailangan na kayanin kong mag-isa dahil kailangan nya matulog dahil panggabi sya.
May panahon sya manuod ng kung anu ano sa YouTube, dko alam ano nakukuha nya dun. Pero yung simpleng kagustuhan ko na kapag kumakain baka pwedeng maayos na pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay, ayaw nya. Iniiwasan nya.
Ewan ko paano o ano nagtrigger. Di raw ako marunong makipag-usap eh sya nga ang mahirap kausapin kasi yung akala mong nagkaintindihan kayo, hindi pala. Aayos sya siguro 1, 2 days tapos balik na naman sa dati.
Kaya daw ayaw nya makipagusap dahil ako dada ng dada.
Dko na alam gagawin ko. Ayan, sya may gawa ng sugat ko na yan. Kabilaan kami. Sinugatan ko rin sya sa braso habang nangyari yan. Karga nya yung baby nung nagbabangayan kami. Naiyak na nga eh.
Ayaw nya pa ibalik sa akin nung una yung baby. Sabi ko sige ikaw magpasuso. Binigay nya rin.
Ilang away pa kaya pagdaraanan namin. Kung pagod sya, ako ba hindi? Take note, ako ang naglilinis ng bahay. Sa kanya pagtapon lang ng basura di pa magawa ng maayos.
Ewan ko na. Nagrereklamo sya di raw sya nakatulog ng maayos dahil matigas yung sahig. Ilang beses ko na sinabing dito na lang sya matulog ksama namin ng baby ayaw nya kesho malamig daw or maliwanag. At pag dito daw sya natulog eh "may mangyayari".
Di na. Tama na isang anak. Yoko na rin "may mangyari" pa sa amin at masundan pa. Ayusin muna nya trabaho nya.
Kailangan ko rin humanap ng trabaho. Para kapag nasagad na talaga, pwede akong umalis kasama ng anak ko. Ienjoy nya sweldo nya para sa sarili nya, yun naman reklamo nya e. Buti nga sya nakabili ng bike, ng relo at bagong cellphone para sa sarili nya eh.
Haaaay. Pasensha na sa nega. Kailangan ko lang talaga ilabas ito.
Anonymous