❤️❤️❤️

Kapag Nanay ka na, maraming matang nakatingin. Lahat sila nagmamasid. Lahat sila may sinasabi. Kapag may trabaho ka, "Paano ang anak mo? Sino nagaalaga? Naku, mahirap kapag hindi Nanay ang nagaalaga." Kapag wala kang trabaho, "Nasa bahay ka lang? Buti ka pa eh. Walang ginagawa." Kapag kasama mo sa trabaho ang anak mo, "Bakit kasama mo? Kawawa naman. Wala bang magaalaga sa bahay?" Kapag puro gulay, prutas at walang pampalasa ang kinakain ng anak, "Kawawa naman hindi nakakatikim ng masarap." Tapos minsan, tutuksuhin pa ang bata, "Gusto mong candy?" Kapag kumakain ng candy o chocolate, "Pakainin mong gulay. Wag puro matatamis." Kapag payat ang anak, "Bakit ang payat niya?Pakainin mo ng madaming kanin. Painumin mo ng vitamins." Kapag ang mataba ang anak, "Naku, bawas bawasan mo ang pagkain niya. Baka mahighblood agad eh bata pa." Kapag breastfeeding, "Baka nagtitipid." Kapag formula feeding, "Ayaw atang magpadede. Madaming pambili ng gatas." Kapag sobrang alaga sa anak, "Wag mo masyadong selanan. Hayaan mong madumihan. Kelangan niya yan." Kapag hinayaang madumihan, "Ano ba yan, pinapapabayaan." Kapag walang screentime, "Kawawa naman di nakakapanood." Kapag may screentime, "Wag mong sanayin sa panonood." Kapag lumabas ka nang hindi kasama ang anak, "Bakit di mo sinama ang anak mo?" Kapag isinama mo, "Bakit isinama mo pa? Mapapagod lang yan." Kapag pumasok ng tatlong taon pa lang, "Pinapasok mo na agad sa school? Ang bata pa eh." Kapag tatlong taon na at di pa napasok, "Bakit di mo pa papasukin? Pwede na yan!' Kapag mabait ang anak, "Mahigpit kasi ang Nanay niyan." Kapag pasaway ang anak, "Kunsintidor kasi ang Nanay niyan. Oh, di ba? Wala ka nang lusutan! Ano mang piliin mo, ano mang desisyon mo, basta Nanay ka, may masasabi pa din sila. Madalas pa nga, ka-Nanay pa ang nagsasabi ng mga ito sa kapwa nila. Madaming basta na lang magbibitaw ng mga salita base sa kung anong una nilang nakita. At hindi muna tinitingnan ang mga sarili nila. Iwasan sana natin ang manghusga sa iba. Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang laban. Ano man ang paraan natin ng pagpapalaki sa ating mga anak, iba iba man ang ating mga pananaw, Nanay tayong lahat at yun ang pinakamahalaga. Always remember that YOU are making the best decisions and doing really great, no matter what they think and say. YOU are enough. YOU are the best. YOU are special. Just keep going. ❤

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Very true sis... In short kahit ano gawin mo may masasabi at masasabi sila sa iyo...

VIP Member

You can not please everyone.

filipinos bitch thinking