Nakaka stress na sa totoo lang

Dito ko na lang sasabihin saloobin ko. Nakakaiyak na kakastress na nakakapagod na din. Pakiramdam ko napaka walang kwenta kong ina. Wala ako naririnig kundi ang payat payat ng anak mo. Wag mo tipirin anak mo painomin mo ng painomin ng gatas pakainin mo ng pakainin kasi para d siya payat. Mga nakikita kong baby ang tataba ang lulusog. Anak mo ang payat. Tama ba ang timbang niya sa edad niya kasi ang payat payat niya tignan. Pinapabayaan mo cguro kaya ganyan.. araw araw na lang gnyan maririnig mo . Worst pa nito sariling pamilya ko pa ang magsasabi ng gnyan sa akin at gagatungan pa ng asawa ko. Matakaw naman anak ko eh. Never ko din siya tinipid sa gatas. Bakit d nalang sila maging masaya kahit na d tabain anak ko d siya sakitin. Magkasakit man ng sipon ubo isa araw lang. Masayahin at bibo anak ko . Madali siya matuto sa mga bagay bagay. By the way. 9month palang baby po ko.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello! Si baby ko pala👇☺️. Don't worry mi, hindi rin tabain ang baby ko 9months na din sya ngayon. Simula ng sinilang ko sya slim lang talaga sya at mahaba. Mana kasi sa ama, matangkad na payat. Pero ubod ng likot at bibo si baby ko. Hindi rin sakitin. Pero ang bigat. Pinapa check up ko din si baby sa pedia nya. Walang problema sa kanya basta masigla at bibo si baby walang kaso don. Totoong nakakastress talaga ang mga taong may nasasabi sa anak natin at nakakasama ng loob. Napaka insensitive ng mga taong yun. Ako nga sinabihan yung baby ko ng ang itim-itim daw ng anak ko hindi man lang daw nag mana kahit kulay na lang saken. Ang worst pa mismong pinarinig pa sa kapitbahay at bisita taz nagtawanan pa sila. Tama ba un? Inisip ko na lang inggit lang sya kc 50+ na sya matandang dalaga. Minsan sarap sagutin n kung pwede lang wag na lang sila magsalita kung hindi nakakatulong kay baby at sa mental health nyo mag ina, no? I-pa sa Diyos nalang natin sila.

Magbasa pa
Post reply image

Hanggat walang sinasabi ang pedia na kulang sa timbang si baby, ibig sabihin sakto lang siya. May mga bata na hindi tabain gaya ng anak ko. Healthy at di sakitin. yun ang mahalaga.

iba2 Po tlga Ang mga bata. importante Hindi sakitin.