Just to share...

Kapag may nakikita akong posts about sa daddy ng baby nila, pasensya na mommies kung kayo man yun, nido 'Dont show this to me' ko. I feel bitter kasi wala akong karamay. Ako lang at ang baby ko. Di ako pinanagutan ng nakabuntis sa akin. Gusto niya pa nga ipalaglag ang baby namin kaso ayoko. Pinapili niya ko if siya or yung baby, si baby ang pinili ko tapos nawala na siya sakin. May connection pa kami pero para sa sustento na lang na minsan pumapalya pa. Ang hirap hirap lang na walang nagaalaga sa amin na bf o asawa lalo na ilang beses akong naospital. Dapat bumibitaw na ko kasi ang daming pahirap sakin pero hindi ko magawa dahil mahal ko na ang baby ko di pa man din siya nakakalabas. Siya yung nagbibigay ng lakas ng loob sakin para magpatuloy sa buhay kahit mahirap, kahit magastos, kahit magkanda utang utang na ko, kahit kung ano anong masasakit na salita ang sinasabi nila sa akin. Shinare ko to kasi gusto ko lang gumaan kahit papaano yung pakiramdam ko. 5 months na ko, 4 months to go at gusto ko na na dumating due date ko para masabi ko naman sa sarili ko na "it's all worth it!" at mapa "Thank You Lord" na ko pag nakita ko na ang baby ko. I pray na maging normal at healthy ang baby ko, normal din ang delivery ko at mawala na lahat ng complications.

51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

E kung gantong inspiring story ba naman ang nababasa mo araw2 edi sana happy lahat ng mommies here.. 😊 you made the right choice mommy,mahirap sa mahirap pero nagpapakatatag ka para kay baby..super proud si baby sayo kahit di pa man sya lumabas.. 😊 everytime nalulungkot ka momsh, kausapin mo lang si baby,mawawala na worries mo.. God bless you!!! ❤

Magbasa pa

Just don't mind them sis. Mag sasalita lng sila but they don't really care.. after niyan mag salita poproblemahin n nila ung mga pang araw araw n problems nila sa buhay.. like ano dinner and so on.. cont. To be strong at least mas may balls k dun sa nakabuntis sayo.. God bless you more.. mahirap Ang buhay at lhat nmn my pinag dadaanan. 🙂

Magbasa pa
5y ago

Opo. Thank you mommy. God bless you

Praying for you and baby mommy.. Keep strengthening yourself para sainyo ni baby. Biggest blessing mo sya. Malay mo someday sya ang aangat sa buhay nio mag ina :) Kung ayaw ng tatay magpakatatay let him be, coz its his loss. Karma nalang bahala sakanya. Godbless mommy :)

5y ago

Salamat po mommy. Prayers ang pinakadabest na tulong po sa amin ni baby. May God bless you more.

Stay strong mommy! same ! hindi ako pinanagutan ng nakabuntis sakin, ni sustendo wala, hindi ko na din hinangad na magpakasal kami kasi baka ako pa ung bumuhay sa kanya, same tayo na gusto nya ipalaglag, kasi may iba na syang girl Just pray ! God will help us :)

Ky yan sis.. At kkyanin pr Ky baby.. Hyaan m xa nde nmn ikw ang nwlan.. Kundi xa.. At pg my umaalis my dmrtng.. Ur baby is a blessings na pnpngrap n mgkroon ng bwat bbae.. Kylngan mng mging mtatag pr sknya.. Pray klng lgi nde n22log ang diyos sis.. 🙏💪

VIP Member

Congrats mommy dahil sobrang strong mo! Everything will be alright in time. Si baby mo magiging strength mo. Hayaan mo yung daddy anak mo. Walang syang bayag to be man enough. I hope you and your baby well and God bless kommy 💕

5y ago

Thank you po sa encouragement. Babalik balikan ko po yung comments niyo pag dumating yung mga oras na manghihina ulit ako. God bless po mommy

dont give up po & pray po always si baby nyo po ang forever nyo makakaramay kaya worth it po lahat na siya ang pinili niyo kesa sa lalaking dpat sna katuwang nyo . will pray for you &sa baby nyo 🤗

U did the right choice.. Kaya yan momssh at bless c baby to have u as his mom.. tibayan lg ang loob at mkakaraos din. God bless!

Stay strong sis! I am a proud daughter of a single mom.. Solo parents are legends! God bless you more and your baby! 😊💪

Proud of you. Bilang babae dahil alam mo qng ano ang tama at mali. Tama lng na iwanan m yung guy dhil di ka nia deserve.