Just to share...
Kapag may nakikita akong posts about sa daddy ng baby nila, pasensya na mommies kung kayo man yun, nido 'Dont show this to me' ko. I feel bitter kasi wala akong karamay. Ako lang at ang baby ko. Di ako pinanagutan ng nakabuntis sa akin. Gusto niya pa nga ipalaglag ang baby namin kaso ayoko. Pinapili niya ko if siya or yung baby, si baby ang pinili ko tapos nawala na siya sakin. May connection pa kami pero para sa sustento na lang na minsan pumapalya pa. Ang hirap hirap lang na walang nagaalaga sa amin na bf o asawa lalo na ilang beses akong naospital. Dapat bumibitaw na ko kasi ang daming pahirap sakin pero hindi ko magawa dahil mahal ko na ang baby ko di pa man din siya nakakalabas. Siya yung nagbibigay ng lakas ng loob sakin para magpatuloy sa buhay kahit mahirap, kahit magastos, kahit magkanda utang utang na ko, kahit kung ano anong masasakit na salita ang sinasabi nila sa akin. Shinare ko to kasi gusto ko lang gumaan kahit papaano yung pakiramdam ko. 5 months na ko, 4 months to go at gusto ko na na dumating due date ko para masabi ko naman sa sarili ko na "it's all worth it!" at mapa "Thank You Lord" na ko pag nakita ko na ang baby ko. I pray na maging normal at healthy ang baby ko, normal din ang delivery ko at mawala na lahat ng complications.

hello mamsh .. wala po kami karapatan husgahan ka pero kung ano man po ang nraramdaman mo at npgdadaanan mo ngayon super vow ako sayo kc sa post mo nakita ko kung gaano mo kamahal ang baby mo. di gaya ng ibang mommy na porket my problem cla eh ndadamay ung health ng baby. ikaw walang anung tanong sayo or pagdadalawang isip na mas unahin lahat pra kay baby. like sa mga needs mo at needs nya. gnagawan mo ng paraan. ung iba kasi parang di nila kayang mg sacrifice ng sarili para kay baby. like mgkanda utang utang kna. walang masama sa mga pnag uutang mo na yan kung ang reason is isang buhay na dapat mong ingatan. hndi ka naman namgutang para mgsugal or bumili ng luho mo eh. pag patuloy mo lang yan mamsh. sobrang proud sayo si baby mo na ikaw nging mama nya 😊 kc alam nyang di mo sya pababayaan kaya for sure ibabalik nya rin sayo yan sa oras na ipapanganak mo na sya .. di ka nya pahihirapan yan ang mgiging sukli nya sa pagsasakripisyo mo para sa kanya. congrats mamsh!! keep stronger!!
Magbasa pamedyo same tayo sis. pa-5 months na din tummy ko this katapusan. hindi man nya sinabing ipalaglag ko, pero sinabi naman nyang hindi pa daw pala sya ready mag asawa. may communication pag minsan para sa sustento pero once palang nakakapagbigay. tapos nalalaman ko pang kung sino sino nakakachat nya at nililigawan. pag nagkakachat kami lagi pa din syang may endearment sakin pero wala na yung pagmamahal at pagke-care tulad dati, tapos biglang hindi magchachat ng ilang linggo. hahaha feeling ko ginagago nalang nya ako e, kaya sabi ko tama na. kung ayaw nya samin edi wag, sabi ko din makaraos lang kami ni baby e maghahanap agad ako ng work para hindi ko na kelangang umasa sakanya. kaya natin to sis! hindi tayo yung nawalan. nakaka-bitter, Oo pero ganun ata talaga, hindi lahat nakakatagpo ng tamang lalake, at isa tayo sa madami pang minalas sa mga tatay ng anak natin. im sure kahit hindi tayo sinwerte sa partner natin e nasa ibang bagay yung swerte natin. laban lang sis
Magbasa paAlam mo sis same situation tyo hndi rin ako pinanagutan ng ama ng baby ko same din na want nya ipalaglag baby namin nung nalamn nya buntis ako pero ang ginawa ko tinuloy ko parin .. 8mos na tyan ko nung ncontact ko sya ulit sa sustento naman nya ok naman nakakapagbigay sya pero kulang parin samin ng baby ko at pangangailangan nya di naman ako makapagdemand demand sakanya baka isipin nya ako naghahabol ng pera nya kung tutuusin businessman sya barya lang sguro ung mabibigay nya .. eto sis kakapanganak ko lang ng sept 18 alam mo lahat ng yan lahat ng problema m hndi man mttpos pero maiibsan kapag nahagkan m na si baby at iisipin mo nalang lahat gagawin mo pra sknya .. mwawala na stress sa buhay mo worth it lahat .. kaya mo yan sis hanggat dipa lumalabas ung tropi mo sa buhay yan ung baby mo sis congrats ang goodluck 🙃🙂
Magbasa paThank you mommy. Naeexcite tuloy ako sa paglabas ng baby ko. Salamat po sa pagshare ng experience mo po sa akin. Inspirasyon po siya para sakin na di ako nagiisa at may mga taong kinaya ang gantong situation. God bless po sa inyo ng baby mo mommy. Swerte po siya sa inyo kasi strong po kayo at I know na mahal na mahal niyo po siya.
Good descision yan mamsh. Kahit wala kang partner kaya mong buhayin si baby. Oo mas maganda kung mayroon partner na makakatuwang mo. Pero kung ang partner mo e isa din sa magpapahirap sayo, wag nalang. Pabayaan mo nalang siya. Marami pa dyang ddting n kaya kayong tanggapin ng magiging baby mo. Sa ngayon mahirap, pero pagsubok lang yan. Malalagpasan mo din yan. Hindi nagbbigay ng pagsubok si god na hindi natin kayang lagpasan. Kung wala ka pa mang partner sa ngayon. Make your child and our God be the center of your life. Be stong and stay positive. Tomorrow will be ok 🙏
Magbasa paAmen. Thank you mommy. Kahit wala daddy ang baby ko, he/she has a Father from above that takes care of us. God bless po mommy.
Di ko mapigilan iyak ko ng mabasa ko to. Thank you sa motivation momshie. Sobrang kailangan ko din kasi. Simula nagbuntis ako hanggang ngayon na malapit na akong manganak puro stress at sama ng loob na lang kinakaharap ko pero di ko pinapahalata. Wala akong mapagsabihan. Ang hirap. Sobrang ramdam kita sa pinagdadaanan mo. Si baby lang talaga lakas ng loob ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na everything happens for a reason kahit masakit kailangan tanggapin kasi di naman lahat ng panahon puro pain lang. Darating din ung time na magiging okay ang lahat.
Magbasa paKakayanin mo po yan mommy. Wala naman binibigay si Lord na pagsubok na di natin kaya.
Bilib ako sa mga tulad nyo momshie,Ang lakas lakas ng loob nyo,d katulad ko na napakahina ng loob Kong harapin ang mga pagsubok at problema,Ala nmn akong problema sa hubby ko Ang problema ko takot n takot ako pagnagbubuntis,d 2times n kasi akong nakunan KY s bawat pagbubuntis ko dito sa 2 sunod ay takot n takot ako n bk mawala uli sila sakin,kahit n anong palakas ng loob Ang gawin sakin ng hubby ko ganun parin ako,ayoko n kasing maulit yong nakaraan,Kaya saludo ako sa inyong malalakas Ang loob,God bless u all
Magbasa paganyan din po ako nung pinagbubuntis ko yung pnganay ko!mhirap..msakit sa dib2!lagi kang umiiyak..pru tinigilan ko na, ng.pkatatag ako pra sa magiging anak ko!di ko na inisip pa iisipin ng iba!.mhirap sa umpisa, pru kelangan lumaban my btang umaasa sau!.buti nlng din anjan yung pmilya ko!.after 2yrs bumalik yung tatay ng anak ko..tinanggap ko ulit binigyan ko ng chance..di nman aq binigo..kaya fight lng po!my mga mgagandang bgay na mngyayari sau!.my awa ang dyos..lge xa nkabntay!..
Magbasa papara sa lahat ng momsh na gaya ng pinagdadaanan mo, mabuhay kayo😊 higit sa pagiging isang tunay na lalaki ang pinakita mo, sa pinili mong desisyon sguradong hndi ka pababayaan ni Lord God. kapit lang momsh, wg ka magsasawa mgpray, sa panahong nalulungkot ka bukod ke baby mo, si God ang kakampi mo.. Godbless you and ur baby.. cheer up , its his lost not yours.. ung bgyan ka ng baby ay isa nng malaking pagpapala, maging mabuting ina ka momsh 😊
Magbasa paYehey proud of you Momsh. Tama ginagawa mo. God bless you. Hindi naman kasi kawalan na walang bf or asawa sa tabi. Meron din naman mga asawa or bf nasa tabu peru irresponsible. Hindi naman kasi lahat naaayon sa gusto natin, iba iba din story natin. I know kaya mo yan. Wag mo isipin mga negang tao sa paligid. Ang isipin mo may angel jan inside your tummy na matatawa mong sa iyo.. ingat ka ha.
Magbasa paPray lang po.
Bilib ako sayo mommy kasi hindi mo sinunod yung walang kwentang lalaking nakabuntis sayo. Yung mga ganun tao nakakarma yun GodBless sayo at sa baby mo kaya mo yan mamsh swerte ng baby mo sayo kasi hindi mo sya pinapabayaan unlike sa ibang mga nag popost dto about abortion na humihingi pa ng simpatya sa mga tao dto kasi ayaw daw nila ng baby buti ikaw mamsh pinanindigan mo si baby mo 😊
Magbasa paThank you po mommy. Naluluha po ako sa mga comments niyo. Mas nadadagdagan po yung lakas ng loob ko. God bless din po sa inyo.