Just to share...

Kapag may nakikita akong posts about sa daddy ng baby nila, pasensya na mommies kung kayo man yun, nido 'Dont show this to me' ko. I feel bitter kasi wala akong karamay. Ako lang at ang baby ko. Di ako pinanagutan ng nakabuntis sa akin. Gusto niya pa nga ipalaglag ang baby namin kaso ayoko. Pinapili niya ko if siya or yung baby, si baby ang pinili ko tapos nawala na siya sakin. May connection pa kami pero para sa sustento na lang na minsan pumapalya pa. Ang hirap hirap lang na walang nagaalaga sa amin na bf o asawa lalo na ilang beses akong naospital. Dapat bumibitaw na ko kasi ang daming pahirap sakin pero hindi ko magawa dahil mahal ko na ang baby ko di pa man din siya nakakalabas. Siya yung nagbibigay ng lakas ng loob sakin para magpatuloy sa buhay kahit mahirap, kahit magastos, kahit magkanda utang utang na ko, kahit kung ano anong masasakit na salita ang sinasabi nila sa akin. Shinare ko to kasi gusto ko lang gumaan kahit papaano yung pakiramdam ko. 5 months na ko, 4 months to go at gusto ko na na dumating due date ko para masabi ko naman sa sarili ko na "it's all worth it!" at mapa "Thank You Lord" na ko pag nakita ko na ang baby ko. I pray na maging normal at healthy ang baby ko, normal din ang delivery ko at mawala na lahat ng complications.

51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ano po ba meaning ng pinanagutan?ako kasi pinanagutan nga wala din naman. Ako pa di. Halos lahat gumagastos.

5y ago

Same :(

Pray lang mommy. Hindi bingi si papa Jesus. God bless you, and sana healthy si baby 😊😊😊

Hindi ka nag iisa. Andyan baby mo kaya pakatatag ka. You made the right choice sa pagpili sa bata 🤗

5y ago

Someday pag nalaman ng anak mo lahat yan pati pinagdaanan mo ipagmamalaki ka nya ❤️

Same situation here, Mom's! 13-weeks na din lumalaban para Kay 👶! Kaya natin yan momshie!

TapFluencer

Just keep on prayig Sis,di kayo pabbayaan ni God and mkaka-survive ka without ur partner.

kaya yan sis. wag mo stressin sarili mo. focus ka muna kay baby sis. Godbless you

I'm glad you did the right thing mommy! Be strong and may God bless you ☺️

Lol ang bitter mo naman po. Ano kasalanan ng ibang mommy kung di ka pinanindigan...

5y ago

Sakin nga nanggaling na bitter ako diba? Tanga tanga magcomment 😆

Same tau. At 5 months preggy na din ako..we have to stay strong sa bata

Praying for you and your baby mamsh. God Bless. Stay strong.♥️