106 Replies

VIP Member

21 ka naman na ah, hindi ka na teenager. Alam ko may pangarap ka pa, maybe gusto mo makagraduate or makapag trabaho muna or what pero isipin mo din ang sayang maidudulot sayo ng baby mo. Napakasarap maging mommy. Blessing yan at hindi problema.

Habang may buhay mamsh may pag-asa eh dalawa na ang buhay na pinanghahawakan mo (sayo at kay baby) mas lalong may pag-asa!! Pray ka lng ng pray!! NEVER GIVE UP MOMMY!! Isipin mo si baby ay napakahappy na ikaw ang nanay nya 😍😍😍

20yo ako nung nabuntis, asawa ko 22yo that time. Fast forward 13yrs after kami p din, 2 kids with stable jobs 😊 At lahat ng nanghusga sakin nun, nganga sila kasi right after ko manganak may work agad ako di gaya ng mga anak nila 😅

No po sis, tatagan mo lang loob mo palagi. sa una mahirap pero malalagpasan mo din yan. wag mo na lang pansinin yung mga taong humuhusga sayo. isipin mo kayong dalawa ng baby mo. pray ka lang din kay God. nakikinig sya lagi satin 🤗

Hindi po a. Naging blessing pa nga sa iba baby nila. Marami ko classmate noong college na maaga nabuntis. Pero ngayon successful sila. Meron sarili mga negosyo at nakapag patayo ng bahay. Sikap lang talaga and gawin inspirasyon si LO

Ako nga 19yrs old lumalaban sa buhay 😊 Kahit na marami naghihinayang dahil maaga akong nabuntis di naman yan hadlang sa pagtupad ng yung pangarap.. Ako nga itutuloy ko pag-aaral ko next year. Kawawa c baby 1month pa kasi😅

VIP Member

Gawin mong inspirasyon ang baby mo para ipagpatuloy ang buhay at pangarap mo. May kakilala akong 15years old sya nung nabuntis sya and now maganda ang buhay nya. Be positive ka lang at lumaban sa buhay para kay baby mo.

Noo that's not true. Pwedeng pwede mong ayusin ang buhay mo na kasama si baby. Actually gawin mo siyang motivation and inspiration para matupad mo pa rin mga pangarap mo. Just keep going! Fight lang para kay bibi 🤗

VIP Member

nako ako nga 18years na buntis eh. nasasayo nmn yan..kung sisirain mo..saka asan ba naka buntis sayo? isipin mo muna yung dinadala mo..kung ano mang pangarap mo pwde mo pa yun pag patuloy. andyan lang yan

VIP Member

ako nga din eh 22 yrs old. 7 months pregnant. Sobrang laki ng insecure ko sa sarili ko ngayon. Laki na kasi ng pinagbago ng katawan ko tapos syempre may mga bagay na akong di magagawa gaya ng dati.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles