Pamahiin

Kanina po kasi before ilibing tita ko, may manghihilot na nagsabi sakin sa lamay na bago siya ilabas sa bahay ng funeral, dapat mauna daw akong lumabas sa kanya and deretso daw po ako sa bahay namin (which is nasa likod lang ng bahay nung namatayan). Kapag daw hindi ko sinunod yun, matutulog daw po ang baby ko sa loob. (Hindi ko na po tinanong kung ano ibig sabihin nila sa natutulog. Kung matutulog lang hanggang sa manganak ako or yung never na talaga siya gagalaw hanggang sa lumabas siya). Then yung isang lalaki sa funeral, tinanong din ako kung buntis ako, ang sabi ko oo. Then ang sabi niya sakin una daw akong lumabas. Ok naman po si baby after ng libing, malikot pa rin naman po sa loob ng tiyan ko. Naniniwala po ba kayo don? Hindi naman po ako against sa mga pamahiin pero kanina ko lang kasi talaga nalaman. By the way hindi po ako sumama sa libing. Bawal din daw po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I dont want to scare you, pero when i had a still birth sa first child ko, a month after na makipaglamay ako sa lolo ko, naniwala ako sa pamahiin. Although di ko alam na kailangan pala ako ang una lalabas haha. Pero syempre mananatiling pamahiin lang iyan dahil may dahilan lahat ng bagay. Highblood kasi ako noon kaya nagdetach ang placenta sa akin causing my baby to lose her oxygen inside, di ko alam na labor na pala iyong pananakit ng tiyan ko kasi di ko pa kabuwanan at FTM ako. So ayun... Haha. Sorry for the long story. Anyways, pray always and God will do the rest. 💜

Magbasa pa
5y ago

Stay safe and God Bless, Mamsh. 💜