Byenan problem ako lang ba ganito?

kala ko dati okay tumira sa byenan hindi pala, maayos naman ugali nila mabait pero ewan! yung parang ginawa ka nilang katulong yung tipong kakalinis mo lang makalat nanaman, wala naman sanang bata puro namana matatanda. Yung kakahugas mo lang meron nanaman ewan nakakainis na. Yung naglilinis ka tapos sasabihin ng byenan mo makalat tapos sabay tawa hays. Alam na nga nilang linis ka ng linis kalat naman sila ng kalat! Nakakainis pero pag andito yung asawa ko baitbaitan para bigyan ng pera. ?hays! Yung anak manlang nila di nila mapagsabihan ni maghugas di magawa pati pinagkainan iiwan lang sa lamesan.

104 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pinaka maganda talaga naka Bukod kayo, kahit pa mabait ang in-laws the best part din talaga ang nakabukod. Una nasa lahat matututo kayo magbuo ng sariling pamilya, at syempre importante ang privacy nyo mag-asawa. Magagawa mo lahat ng gusto mo kasi sa bahay na yun Ikaw ang Reyna.

6y ago

Sa case mo sis mahirap nga, pakisamahan kasi dapat talaga hindi one sided lang, alam ba ng husband mo na nahihirapan ka na sa sitwasyon? Kung there's no way talaga did you tried to love your in-laws at sinubukan mo na din ba sumabay sa tugtog nila? Ang mahirap kasi bahay nila ang tinitirahan nyo kaya sila ang mas may say. Ano sabi husband mo?

ok naman nanay ng mister ko, ung kapatid na lalake lang pagkakaen prinsipe, lalo na pag may kasamang friends parang binagyo ang bahay.. ndi marunong mahiya sa nanay nia matanda, ndi kasi pinaglilinis pero minsan pag keri tumutulong ako pero bumukod din kame, ayaw nga kameng payagan

I'm talking to my byenan pero hindi ko pa sila na meet in person. Mabait naman sila kausap. Hopefully pag dun na kami, sana magkasundo kami lahat. But if i were to choose, i really want our own place. Sa ngayon kasi, dito pa ako sa house namin. Pauwi uwi lang sa pinas si hubby.

5y ago

True. But with my mom naman, okay naman po. I just make sure to help her sa business po para hindi sya mainis sakin lol! Super bait ng mom ko. What worries me is pag nasa abroad na din po ako with my byenans. Lol! I Hope and Pray, all will be well. Thank you mumshs

Yung namanhikan ang mapapangasawa ko sakin. Kinausap talaga ng daddy ko na hindi kami pwede manirahan sa may biyenan. Kailangan daw magsolo kami.. Dahil di kami magkakasundo. Ang bahay kasi iisa lang dapat ang reyna, at yun ang asawa hindi ang byenan.

Hahhaha same tayo sis. Walang bata sa bahay namin, pero ako nag bubuntis palang sa unang anak namin ng asawa ko. Alam mo ung super naglilinis ka nagbabawas ka ng gamit kahit anong linis mo may taga dumi talaga. Wala man lang pakiramdam mga dugyot kumbaga. Tsss

Dapat po tlga bukod kau. Ako Australian asawa ko Kung pupunta ako dun titira kami sa bahay ng parents ng asawa ko, ayoko kasi hindi nmn perfect pagsasama nmin May time na nag away Kami ng asawa ko xempre magagalit cla sakin, kaya mas gusto ko bukod kmi

VIP Member

Kaya ako umpisa pa lang cnabi ko na sa asawa ko nde na ko pwede itira sa bahay nila, mas maganda samin na lang kesa sa kanila ,atlis kung sa bahay nmen nde mo kelangan makisama.. Pero ngayon nakabukod naman na kame, dati nakatira kame sa bahay nmen ..

Ako dto nman ako nka tira sa byenan ko. Pro hndi nman masama ang trato nla saakin mabait saakin ang mama nang asawa ko...minsan nga kng wla ako pira pag myron sya binibigyan pa nya ako...kht ayw ko pro pinepilit prin nya. Ibigay.. ..

Ako nga buntis pako nito pero wala sabi exercise ko daw hahahah tapos ung asawa ko parang wala naman pakeelam di nga ako inaalalayan sa tuwing lalabas kami mag mamall or san man pupunta, kala mo may katulong ung byenan ko haha bossy

Kausapin mo hubby mo sis about jan kasi family niya yan and most importantly baka mapano ka kakalinis. May mga ganyan tlga lalo't nakikisama. Pag dasal mo na lang if kaya niyo na bumukod bukod na kayo kasi promise lalala pa yan.