Balisawsaw
Kakaalis lang po ng catheter ko nung sabado halos 6 days din po catheter ko dahil po hindi ako makaihi. Pero ngayon 3 days na akong pakiramdam ko parang binabalisawsaw ako even though nakakaihi naman ako. May mga oras na sumasakit pantog ko. Normal lang po kaya ito? Mag 3 weeks pa lang po akong nanganak.