Kaka 9mos lng ng lo ko. Nung sunday night nagkalagnat sya 38 ung temp, my sipon ayaw dumede. Pina inom namin ng paracetamol at humupa naman ung lagnat. Umiinom sya ng milk nasa 1oz or 2oz lang. Nung monday morning Pinapakain ko sya ng solid foods at lugaw kumain ng konti mga dalawang subo lang. parang nasasaktan ung gums nya. So parang nag teething c lo ko, di kc nakaranas ng lagnat ung first lo ko kaya bago sakin to. So the rest of the day nung lunes di sya dumede, umiinom lng sya ng tubig ng madami na may bugayana then konting rice na may ulam saka aayaw na. Ngayong tuesday mga 1am saka sya dumede ng marami rami next naman is nung 4am. This morning naman pinakain ko ulit ng cerelac ayaw niya, lugaw, kumain pero 2 subo ulit hanggang ngayon ayaw kumain at dumede. Na papraning na ako nag iisip ano pwede ipakin sa anak ko since ayaw nya dumede. Sumasakit na ulo ko. Ayaw magpa upo gusto karga lang ng karga, umiiyak minsan. Sa mga mommies dyan ano ginawa nyo? Sa mga nakaranas ng situation ko. First time ko talaga maka enconunter neto and kami mag asawa wala kaming mapagtanongan kc wala kaming mga nanay at ung mga tatay nmin wala din alam. Sana may mag advice or suggest ano gagawin. Salamat po
Anonymous