Rant

Kailan po ba pwede ibiyahe ang baby? Gusto ko kasi iuwi sa probinsya namin sa Nueva Ecija yung baby ko, ayaw kasi ako tigilan ng mil ko lagi nya cnasabi na gusto nya iuwi sa Iloilo yung anak ko kahit ilang beses ko na cnabi sa kanya na ayoko. Lagi nya sinasabi na kawawa anak nya dahil asawa ko lahat gumagastos, pagod na nga daw sa trabaho tapos pag-uwi cia pa daw lahat gagawa sa bahay, lagi nya ako pinaparinggan na tamad. Di daw ako marunong mag-alaga ng anak ko, kung ano-ano pinagbabawal nya na gawin ko sa anak ko na siya mismo ginagawa nman nya. Gusto ko ipabreastfeed baby ko pero kailangan ko pa itago pag magpapadede ako kasi ayaw nya panis daw gatas ko, sasakit lang daw tiyan ng baby ko. Pag kinakabag baby ko, tinatanong nya agad kung pinabreastfeed ko. Nung sumuka tinanong nya agad kung pinadede ko baka daw nasobrahan samantalang kabubuhat ko pa lang. Speaking of buhat naman, kakukuha ko pa lang baby ko sa crib nya pinapababa nya na agad wag ko daw sasanayin ng buhat, pati isusuot na damit pag pinalitan ko na papalitan nya ulit. Lagi nya pinapamukha sa akin na di ko kaya alagaan anak ko, na kapag wala cia mahihirapan ako, di ko daw kaya. Lagi nya ikinocompare sarili nya sa akin. Siya na magaling.. kaya gusto ko sana iuwi ko muna baby ko sa probinsya namin, balik na lang kami dito sa Manila pag uwi ng MIl ko.

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Sa ngaun di pa safe na ibyahe ang baby not unless, may sariling sasakyan. Sabihin mo, Ma hindi po ako papayag na dalhin sa Iloilo ang baby ko. Tapos di kasama ako o asawa ko. Ano tuta lang po? Di po tuta anak ko na kung kung na cutan hihiramin at dadalhin sa malayo. Hindi naman po kawawa anak nyo. Dahil nag ttrabaho po sya para sa anak nya, sa aming mag-ina. Kakapanganak ko lang po, at mas kailangan ako ng anak ko. Sa ngaun, di po ako.makatulong sa gawaing bahay kasi kakapanganak ko nga lang at mas kailangan ako ng anak ko. Sana po intindihin nyo po ako. Nag daan din naman po kayo sa ganto dba. Wag naman nyo po ako idown masyado kasi nasstresS po ako. Ma, wag nyo naman po ako sabihan ng hindi ako marunong mag alaga. Hayaan nyo po ako matuto mag alaga. Kasi natutunan naman po yan. Puro na lang po negative mga pinagsasabi nyo sakin, lahat ng napapansin nyo sa akin mali. Supportahan nyo naman ako minsan. Onting positibo naman po. Para goodvibes. ECQ na nga po e. Dadagdagan pa. Yung mga pinagbabawal nyo po, e pang sinauna po yun. At walang scientific evidence. Puro kasabihan lang. Ang totoo po, para mas makatulong ako. Breastfeeding. Kasi hindi na ho gagastos ang asawa ko. At maraming benepisyo ang gatas ng ina. Di ko po pinag dadamot ang anak ko. Pwde nyo naman kargahin. Pero kailangan nya po dumede sa akin. At di po ako nakikipag kumpetensya sa inyo. Alam ko na madami na kayo na pagdaanan. Kaya hayaan nyo po ako maging asawa at ina sa mag-ama ko. Hindi po suka ang tawag dun. Lungad. Kailangan po kasi ipa burp/padighayin ang baby pagkatapos padedehen pra di mag lungad. Ganto sabihin mo "ma, kaka kuha ko palang sa anak ko, sanayin agad? Nag ba bonding lang po kami. Kasi pag lumaki sya, hindi ko na yan mabubuhat lalo na pag napasok na sya sa school, pag nag binata. Kaya ene enjoy ko lang habang sanggol pa sya. Ninanamnam mo lang. Hindi sinasanay. "Ma, bat nyo po pinapalitan ng damit? Kakapalit ko pa lang naman po. Ayaw nyo po ba yung sinuot ko sa anak ko?? Dagdag sa labahin na naman palit agad. Kung pawis dun lang papalitan damit o lagyan ng lampin sa likod." "Ma, hindi naman po sa,di ako marunong mag alaga ng anak ko pag umalis kayo. Sa una siguro mahihirapan. Pero kakayanin ko po kasi mahal ko ang anak ko at asawa ko." Wag nyo po ako compare sa inyo. Kasi alam ko magaling po talaga kayo. Pero mag kaiba ung way nag pag alaga nuon, sa ngaun. Kaya hayaan nyo po ako maging ina at asawa. Para po matuto ako." Lastly, sabihin mo sa asawa mo specific kung ano yung mga sinasabi ng MIL mo. Na nakaka sakit naman. Open mo sa asawa mo na gusto mo muna iuwi ang baby nyo sa inyo. Para magka peace of mind ka. Kung sarili nyong bahay yan, yung MIL mo na lang pala ang pauwiin nyo. Para d ka na sstress. Sabagay ako rin na stress ako non e. KayA minsan tlga nasasagot ko or sinasabi ko sa asawa ko. Isang beses ko lang napainom ng formula anak ko dahil sa MIL ko din. Sinabi ko sa asawa ko na ayaw bg pedia ng Formula pra d magkahika, at hindi sakitinm yan sabi ng pedia dbm kaya ayun sinasbai ng asawa ko sa mama nya. Laging sabi ng PEDIA. Hahaha Naalala ko pa pala non, nadede pa ank ko gusto nya kargahin, ssbhin kumain kana kuna. Sabi ko d pa po tapos anak ko dumede. E usually 2 hr sya nadede or 1.5 hr nadede. Tlagang d ko binibigay. Hello, I'm his mom. Ibibigay ko sa inyo pag bumitaw na sa pag dede anak ko. Or yung mama mo naman ang papuntahin sa inyo, para maiba lang. Hehe. Pag pray mo din MIL mo na bumait sayo. Sa lahat ng saint. 🙏

Magbasa pa