Rant
Kailan po ba pwede ibiyahe ang baby? Gusto ko kasi iuwi sa probinsya namin sa Nueva Ecija yung baby ko, ayaw kasi ako tigilan ng mil ko lagi nya cnasabi na gusto nya iuwi sa Iloilo yung anak ko kahit ilang beses ko na cnabi sa kanya na ayoko. Lagi nya sinasabi na kawawa anak nya dahil asawa ko lahat gumagastos, pagod na nga daw sa trabaho tapos pag-uwi cia pa daw lahat gagawa sa bahay, lagi nya ako pinaparinggan na tamad. Di daw ako marunong mag-alaga ng anak ko, kung ano-ano pinagbabawal nya na gawin ko sa anak ko na siya mismo ginagawa nman nya. Gusto ko ipabreastfeed baby ko pero kailangan ko pa itago pag magpapadede ako kasi ayaw nya panis daw gatas ko, sasakit lang daw tiyan ng baby ko. Pag kinakabag baby ko, tinatanong nya agad kung pinabreastfeed ko. Nung sumuka tinanong nya agad kung pinadede ko baka daw nasobrahan samantalang kabubuhat ko pa lang. Speaking of buhat naman, kakukuha ko pa lang baby ko sa crib nya pinapababa nya na agad wag ko daw sasanayin ng buhat, pati isusuot na damit pag pinalitan ko na papalitan nya ulit. Lagi nya pinapamukha sa akin na di ko kaya alagaan anak ko, na kapag wala cia mahihirapan ako, di ko daw kaya. Lagi nya ikinocompare sarili nya sa akin. Siya na magaling.. kaya gusto ko sana iuwi ko muna baby ko sa probinsya namin, balik na lang kami dito sa Manila pag uwi ng MIl ko.