SOBRANG STRESS NAKO SA LO KO, AYAW NYA KUMAIN 7months na sya now, kung makakakain sya isusuka nya.
Kahit anong effort ko sa pagkain nya, wala parin minsan umiiyak nako, nasisigawan ko na sya😭 ano po pwede gawin para magkagana kumain si baby. patulong po😭😭😭😭

Mommy, eating is a skill. Inaaral palang nya pano kumain. Kung pano ngumuya, pano lumunok ng solid. Sa simula, di talaga nya alam ang gagawin sa food sa bibig nya. Make sure sobrang durog ang food dahil naninibago sya sa texture. 2-3 teaspoons per feeding (take note mommy, teaspoons. kahit maliit na kutsara nya), ok na. Then 2-3 feedings lang din per day. Hindi yan pamalit sa milk. Tuloy ka parin sa schedule nya ng milk per demand. Isabay mo lang yung solid at 1-2oz of water sa bottle. Sa food mommy, wag ka magmix muna ng mga food. Try 1 type at a time for 3 days. Example, mashed carrots for 3 days, then palit. Para makita mo reaction nya at ng body nya sa food. Good luck mommy and baby!
Magbasa pa