Broken trust

kabuwanan ko n this month, actually weeks nlang inaantay ko at pwde n ko manganak. Then last weekend ngmall kmi ni hubby with our son kasi my bibilhin ako, then si hubby panay type sa cp, ung tipong nkahawak ako sa braso nya iaalis nya kc mgttype sya. Nairita ako at sinita sya, tapos inulit nnman nya so ngsalita n tlga ko sino b kaChat nya at nainis sya. Nagwalk out ako, sabi nya ngccomment lang sya sa FB, wala sya kaChat, i dunno. Nasira araw nmin at umuwi nlang kmi, pgkauwi umalis din sya dala kotse at magdamag nawala. Magpalamig lang daw sya ulo, maglilibot, hanggang sa tinatawagan ko sya ayaw sagutin pero ngcchat sya sakin. Nasa bahay daw sya ng dati nya barkada, usually pg lalabas sya ngssend sya pic cno kasama nya pro that time ayaw nya mgsend, ayaw din sumagot ng call kasi nkakahiya daw mgsisigaw ako, hanggang sa pinatayan nya ko cp.. Sobra sama ng loob ko that night at hindi ako nkatulog, hindi n din ako nkapasok ng work sa sobra puyat. Umuwi sya 6am na at sinabing nasa barkada nya lang sya, ngsorry din sya sa paggamit ng cp na nasa labas kmi, di nya n daw uulitin..pero deep inside, alam ko somewhere sa kwento nya, doesnt match..ni wala sya pic ng barkada nya, out of nowhere nahanap nya un bigla2 eh barkada nya un hindi pa kmi mgkakilala, bigla nya nhanap ung bahay? pinatingin nya cp nya sakin, sympre malinis n yun! pgtingin ko chat, may mga burado chat ng 2 girls n kawork nya kc ang chat lng "wave hand". Mahirap maGain un trust ko, minsan n kmi ngka-issue at years ang binilang bgo nya naredeem sarili nya sakin, ngyon kabuwanan ko pa saka kmi ngkaron ng ganyan..btw, homebased work ng asawa ko, di sya lumalabas ng bahay, bihira nlang at ngssabi nman, eto lng instance nasira lhat ng tiwala ko sa knya..hindi ko sya masyado kinakausap at pansin nya, kahit mgsorry sya at alam nya need nya redeem un trust n nawala pro nangako sya wala syang ginagawang masama or kalokohan..sakin lang, nkakaHurt..

2 Replies

yes sobrang sakit nyan dear. pero mag focus ka po muna sa panganganak. kung pwede dun ka humugot ng lakas sa pag ire sa nangyaring yan. ilabas mo lahat ng gigil. maganda nga sana kung maresolve nyo agad yan bago ka manganak kaso mahabang process yang ganyan at madalas nananalo pa ung pagsisinungaling ng lalake. sinabi mo na rin na home-based sya at bihira na nga lumabas. Most likely inaya nga sya nung 2 girls at since may chance na maging masama ung lakad nya, mas pinili nlng nyang ilihim sayo. Un ung masakit pero madalas un ung totoo. Na imbes mas mging open sila, tinatago nlng nila kesa magtalo/mag explain pa ng mahaba saten. Madalas depensa pa nila is wala namang nangyaring masama so d mo na need malaman. I hope after mo manganak eh d na muna maulit ung incident na un kase may post partum pa naman tau. At d biro masabayan ng problema about trust issue. I'll pray for you too.. laban lang..

thank you mommy..finally inamin nya bkit di sya ngpadala ng pic, wala sya kasama babae at andun tlga sya sa barkada nya, kahit sa dashcam ng kotse nmin. The thing is, sobra stress daw sya sa work, sa mother nya kakalabas lng ng hospital, sakin..he wanted to forget things and gusto mg-marijuana..yes, un pinuntahan nya barkada gusto nya sana mgtake ng gnun pero di nya daw kinaya kc magagalit ako kya uminom nlang sila..yun daw po tlga totoo at wala syang babae, di nya lang masabi sakin kc mgagalit ako..

VIP Member

sa opinyon ko lang sis... dont stress yourself.. hayaan mo na lang muna sya now, magobserve ka.. gather evidence para kapag kinonfront mo sya may matibay kang evidence... sa ngayon assumptions pa lang yan.. kung may history sya ng cheating possible yun maulit ulit. dahil once a cheater, will always be a cheater based sa mga kakilala kong naka experience ng cheating.

thank u po..wala nman naging kabit or karelasyon asawa ko for 12yrs nmin, may naLink lang n kawork pro ngresign sya nung ngka-issue na kmi..pro okay nmn na po kami now and ngsorry nman sya and swear na wala sya babae..he just needed time for a break daw..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles