Sino'ng mga pasaway diyan?

No judging! Minsan, may nagagawa lang talaga tayong kalokohan. Hihihi.

Sino'ng mga pasaway diyan?
522 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung nagpumilit ako sa guard ng department store na papasukin ako kahit bawal buntis. Baka daw kase pagalitan yung guard ng manager nila. Sabi ko wag ka mag-aala mag-inhale lang ako palagi 😆 at di lang ako lalapit sa mga tao. Tawagin din ako pag pinagalitan sya ng manager nya. Ayun pinapasok naman ako... Naawa yata... 😆

Magbasa pa

softdrinks hehe at cakes and all junky na foods palagi ako napapagalitan ng ate ko,,nung 8-9month na baby ko nag behave ns ako kasi 3.2kg na siya sa awa ng diyos dinaman din ako.pina hirapan ni baby lumabas naman din siya agad❤

Super Mum

Nahilig ako sa fast food noong nasa third trimester ako. May pre eclampsia na ko nun at isa sa pinagababawal ni OB is yung mga mamantika, maalat and fried. Kaya ayun di bumaba BP ko. Haha. Na induce tuloy kahit di pa naglalabor.

nung unang pinag buntis ko lahat ng nag comment nyo nagawa ko super pasaway ko noon kaya naging elepante look ako mag milk tea lang hindi .. always nkakalimutan ko rin uminom ng gamot walang nag papaalala mag isa lang ako nun .

Kumain ng chocolates, uminom coffee coke soda etc., madalas sa fast food laging malamig na tubig iniinom kasi init na init lagi feeling ko😩😂 so far yun lang naman pero balak ko magkulay ng buhok ko pero wag na muna konting tiis na lang naman😂

VIP Member

Ngaun antaas sobra ng UTI at Sugar ko 😭 kaso natatakot ako uminom antibiotic na bigay ni dok kse magcocontract daw c baby pero binigyan nya nmn ako ng pampakapit pero kse naiisip ko pano kapag di prin kumapit c baby 😭 tulong mga mamsh 😭 #firsttimemom

3y ago

kc may fiber un, and possible na maiwan ung mga fiber na un sa private part na possible magcause ng infection. better use water and magpalit nlng or kung may towel ka na malinis un ang gamitin mu na pang dry.

Soft drinks and coffee. Aminin pag nakasanayan mo ito lalo na kape every morning ang hirap iwasan. Minsan pag wala na yung asawa ko nagtitimpla ako ng iced coffee for snack time then paag naag crave ako sa softdrinks patago dn akong bumibili ehehehe.😅

4y ago

Same mamshie lalo na coffee lover haha pinipilit iwasan d maiwasan😅

Maglinis ng maglinis ng bahay kapag nasa labas lahat ng mga kasama ko. Tapos kunwari paupo upo lang pag anjan na sila. I even painted 2 rooms of the house. Hahahaha Feeling ko kasi ang gaan at ang lakas lakas ko. Parang di ako buntis. 🤣

Magbasa pa
VIP Member

patago akong umiinom ng soft drinks, at juice kapag wala si hubby at sinisisi ang ang hangin sa electric fan pag kabagin, bloated at sumasakit ang tiyan pero dahil pala yun sa soft drinks 😆

Super Mum

Uminom ng soft drinks noong fiesta 😅 D ko napigilan kasi ang init tapos nainggit ako sa iba hahaha after non knabahan ako uminom din agad ako ng maraming water.