So far, naging madali ba or mahirap ang pregnancy journey mo?

Voice your Opinion
YES, okay naman
GITNA lang
NO, it's been difficult

1913 responses

62 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap pero masaya at kakayanin dahil ang tagal namen hinintay c baby, na ectopic pa ako 2019 tinanggal ang isang ovary ko, na pcos pa, akala ko hindi na ako magkaka anak pero sa di inaasahang pagkakataon binigyan samin ang matagal na nameng pinagddasal. Sa mga unang buwan hirap na hirap ako dahil sa selan ko sa pagkain, pagod na pagod at lage antok ito pa un panahon na pumapasok aq sa trabaho, dinugo rin ako at na bedrest, dinugo aq hindi lng isang beses 3-4 beses nalaman ko na may subchorionic hemorrhage ako at akala q mawawala ang baby ko mabuti my nakilala akong mahusay na midwife at OB tinulungan at inaalgaan nila ako. Nagdesisyon aq magpahinga muna sa trabaho para sa baby ko. Ngayon 8 months na c baby sa tiyan ko at waiting ng July para salubungin ang isang napakagandang biyaya na binigay samin ng asawa ko. Hindi talaga madali magbuntis pero lahat kayang tiisin ng isang nanay. ❤️

Magbasa pa