So far, naging madali ba or mahirap ang pregnancy journey mo?

Voice your Opinion
YES, okay naman
GITNA lang
NO, it's been difficult

1878 responses

62 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap pero masaya at kakayanin dahil ang tagal namen hinintay c baby, na ectopic pa ako 2019 tinanggal ang isang ovary ko, na pcos pa, akala ko hindi na ako magkaka anak pero sa di inaasahang pagkakataon binigyan samin ang matagal na nameng pinagddasal. Sa mga unang buwan hirap na hirap ako dahil sa selan ko sa pagkain, pagod na pagod at lage antok ito pa un panahon na pumapasok aq sa trabaho, dinugo rin ako at na bedrest, dinugo aq hindi lng isang beses 3-4 beses nalaman ko na may subchorionic hemorrhage ako at akala q mawawala ang baby ko mabuti my nakilala akong mahusay na midwife at OB tinulungan at inaalgaan nila ako. Nagdesisyon aq magpahinga muna sa trabaho para sa baby ko. Ngayon 8 months na c baby sa tiyan ko at waiting ng July para salubungin ang isang napakagandang biyaya na binigay samin ng asawa ko. Hindi talaga madali magbuntis pero lahat kayang tiisin ng isang nanay. ❤️

Magbasa pa

sobrang hirap at sobrang naging magastos ang naging pagbubuntis ko netong 3rd baby, 3months palang tiyan ko naadmit ako dahil sa uti, at naulit muli ang uti ko buti nalang di na humantong sa pagkaadmit kinaya agad ng antibiotic na oral.. kaya cmula sapol ng pagbubuntis ko diet ako sa lhat ng kinakain ko bawas asin no sweets halos gutumin ko na sarili ko kasi ayoko din lumaki c baby sa tiyan ko ending 3.7kg pa din sya mahirap kasi netong nanganak na ako nalusaw ung tahi ko di ko alam kung bakit di naman ako naghuhugas ng maligamgam cguro dahil sa ihi ko kaya nawala kaagad ngyon babalik ako sa lying in para magpatahi ulit at gagastos na naman ng 1500, sobrang laki ng nagastos namin sa 3rd 😣 sa mga vitamins palang libo na 😣

Magbasa pa

sobra mahirap para sken..first time mom here. 9 weeks preggy.. diko malaman nraramdaman ko.. panlasa ko.pang amoy ko..lahat diko mpaliwanag.. kung sa iba, mkaamoy lng ng bawang nasusuka, ako lahat ng ulam na niluluto ayoko..ultimo lotion at pabango..bumabaliktad sikmura ko..wala kong ganang kumain.lahat diko gusto..para kong may sakit na ewan..pag gabi nangangalay binti ko..tapos kht kakakain lng gutom na naman.tapos di naman mkakain dahil masusuka ka lang ulit..😔 but im thankful parin kase binigay ni Lord ung blessing na pinagppray ko..🙏 im 35 and akala ko talaga di na ko mgkakababy kase after 1 year bago kami biniyayaan ni hubby ng Baby.. and this is it❣👶☺

Magbasa pa
2y ago

hindi madali, 1st trimester suka buong araw walang gana kumain kasi sinusuka ko lang din at 3 times pa na hinihimatay ako sa office. Mga amoy na gustong gusto ko before ayaw na ayaw ko na nung 1st tri. Thankful ako kay Lord kasi binigyan nya ako ng maintindihin at maalagang partner. ngayon 5mons na ako road to 6 in 2weeks at medyo okay na ako. May times lang nq nsusuka dahil sa gamot na tinitake ko pero carry lahat para kay baby. Kaya natin to mga mommies for our babies ☺️

Mejo tolerable naman yung mga symtoms. I'm 40 years old na and it's my second pregnancy. mas maselan lang ako ngayon sa mga pagkain unlike sa 1st ko na mas magana ako kumain. sa 1st trimester ayoko talaga ng meat. I'm on my 18th weeks na and feel ko na din yung pag stretch ng abdomen hanggang pelvis payat kasi ako kaya mejo ngalay palagi pero naglalakad lakad pa din ako para maexercise kahit pano. hoping for an easy delivery kasi normal nung 1st sana same ngayon kaya sinusunod ko nalang din lahat ng advice ng Ob. My 1st born son is now turning 7 kaya mejo matanggal nasundan hehe

Magbasa pa

first time mom at 40, wla ko halos nging problema sa pgbubuntis. wlang suka at hilo, di din dumanas ng nasuka coz of certain foods like bawang, prang wla nga kong pinaglihian tlga coz ok nmn lhat ng food sakin. sobrang ngcrave lng sa karneng ulam s 1st trim, pro after nun smooth n halos..ngka uti buti nakuha din sa antibiotic..nung 3rd tri n mejo mhrap kc mabigat n tlga, pro 2.78kg lng nmn c baby..thnk God tlga nging smooth ang preggy journey ko.

Magbasa pa

-oo nagpprenatal vits ako..kumpleto lahat ng nireseta sken iniinom ko pero gnon pdin..@ÈLAN.. -totoo mhie..gsto mong pgkain ngayon, bukas dimo na pnlasa.. andmi ko din stocks na nasayang dhil sa gnyan..kaya utik2 nlng pgbili,pra sure😅@ANGELA.. -sabi pag 4 to 5 mos mwawala ndin kaya kapit lang momsh..😁@anonymous -tama mhie. yaka natin to.. 4 mos nako, medyo na lessen na kht papano pgsusuka at selan sa pagkain..😊@JONEY

Magbasa pa
VIP Member

nahihirapan ako this time sa 2nd baby dhil cguro matagal bago ako nabuntis ulet 14years old na ung panganay ko kya cguro parang nanganganay ulet ako plge masaket balakang ko,hirap ako kumilos kc konting galaw hinihingal agd ako and hirap matulog nahihirapan ako mghanap ng magandang pwesto sa pagtulog pro masaya kc finally mgkakababy ulet ako kya lhat kaya kong tiisin pra sa baby ko❤😊👶.. #5monthspreggy

Magbasa pa

nung una mahirap 1st trimester. lalo nung naglilihi ako. kasi lahat ng kinakain ko isusuka ko lang din. 2nd trimester ko easy easy nalang kain lang ng kain tulog tulog ganon. pagdating 3rd trimester biglang hirap ulit kasi 30 weeks nagpreterm labor ako 1 month mahigit ako bed rest. ang hirap kasi ang sakit ng buong katawan ko kakahiga tapos walang ginagawa. kasi as in bawal talaga ako kumilos. anyway ftm ako

Magbasa pa

I am very thankful with my baby because she was never a pain in the a**. From the moment we knew I was expecting up until now she's 8 months old, thank you palanggaon ni mommy for being so cooperative. please continue to grow na hindi sakit sa ulo. love kita always sa kada segundo sa araw araw. kahit mag isa lang si mommy, buong buo pagmamahal ko sayo anak ko. Iloveyou beyond words can express. 🥰🥰🥰

Magbasa pa

Madaling naiSurvive ung mga pakiramdam during pregnancy. Ang mahirap lang para sa'kin yung mag-isa ka sa journey na yun. Tipong dalawa kayo ng partner mong bumuo pero mag-isa kang humarap sa resulta. Napakasuwerte ng mga mommies na mayroong supportive and loving partners. Dun palang sobrang blessed niyo na po. Malaking bonus pa ang baby. Sa'kin baby ko nalang ang pinakaimportante dapat.

Magbasa pa