"PAALAM JIRO MIGUEL, AMING ANAK"

Jiro Miguel ang iyong takdang pangalan Bigay ng iyong amang lubos ang kagalakan Ng ikaw ay ibinigay sa amin ng Maykapal Upang malubos ang aming pagmamahalan. Dumating ka sa amin sa tamang panahon Mula ng kami'y pagbuklurin ng mga taon Di lubos maisip ang kagalakan namin noon Bunga ka ng panata namin sa Panginoon. Subalit may pangyayari na di natin inaasahan Gaya ng mga pagsubok sa panahon ng tag-ulan Ikaw ay nawala sa loob ng walong buwan Masakit na balita na aming lubos na dinamdam. Di man makapaniwala sa mga nangyari Ngunit sa Diyos pa rin kami humikbi Kung ito ma'y pagsubok nawa'y aliwin Niya kami Upang ang lungkot, dalamhati ay mabilis mapawi. Salamat sa iyo (Jiro Miguel) aming anak Kahit sa maikling panahon, pinaranas mo sa amin ang galak Ikaw ay magsisilbing lakas at panggayak Sa mga susunod pa naming mga anak. "MAHAL NA MAHAL KA NAMIN ANAK".

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

condolence po πŸ˜‘