Ang Sakit Mawalan ng Anak

January-17-2021 4am palang naglalabor na ako subrang sakit na ng tiyan ko umiiyak na ako sa asawa ko 8am pumunta na kami sa hospital ing IE ako 3cm palang daw nakiusap ako na iCS nalang nila ako kasi hindi kuna kaya pero pinauwe nila ako nung time na yan umiiyak na ako kasi yung sakit hindi kuna talaga kaya hanggang hapon umiiyak ako sa sakit nanghihina na din kaya naka alalay na sakin yung asawa ko tapos 3pm bumalik kami hindi parin nila ako tinanggap naglalabor na daw ako pag dinugo na daw ako tsaka ako bumalik pinauwe nila ako ulit nakiusap ako ulit sa kanila na iCS na nila ako kasiyung sakit hindi kuna kaya hirap na hirap na ako hinang hina pero kailangan kudaw eh Normal si baby umuwe na kami hanggang nasa bahay na kami nanghihina na ako wala na akung lakas naka alalay na sila sakin 7:30 bumalik kaming hospital ayon tinanggap na nila ako pumutok na pala yung panubigan ko puro nadin ako dugo nun sa panty ko pinahiga na nila ako pinilit inormal si Baby kahit hindi kuna kaya sa dalawang oras ko sa loob umiire isang oras at kalahati din akung naka Oxygen nun hirap siyang ilabas kaya kinakapos nadin ng hininga pinupush na ng doctor yung tiyan ko kasi hirap na hirap talaga ako na ilabas siya diku talaga siya kayang ilabas hanggang sa ing pwersa na ng doctor (lalaki po yubg doctor) yung pag push niya malabas lang si baby nalabas na nga siya pero yung tiyan ko subrang lamog na lamog na pag labas niya hindi na siya humihinga pero my heartbeat pa siya nung time na narinig ko yung doctor kahit hinang hina na ako at pikit na pikit na pinilit kung imulat yung mata ko para makita yung lagay niya sinusurvived siya ng doctor nung time na yun dinala na siya sa NICU tinawag na nila yung asawa ko para my mag pump kay baby sa loob ng NICU kasi nilagyan na siya ng Tubo buong gabi andon ang asawa ko nakabantay at nagpapump kay baby ako wala akung kasama sa higaan ko hindi alam ang nangyayare buong gabi gising nagdadasal . Jan.18 pinapunta namin ng hospital yung kapatid ko nagpa swabtest muna siya bago nakapasok sa hospital para my kapalitan yung asawa ko para my magbantay na din sakin at kay baby palitan sila Jan.18 3pm nakaya na niya yung Oxygen nakakapaglikot likot nadin siya subrang likot na nga ehh hanggang 11pm ng gabi tinawag ulit yung asawa ko kailangan daw niya ipump ulit si baby ganun nanaman yung sitwasyon nila ng kapatid ko palitan every 2hrs Jan.19 pinalabs na ako ng hospital pero bawal pa ako umuwe kasi magpapadede pa ako pag okey na si baby kaya ayon kahit bagong panganak nasa labas lang ako ng hospital sa kubo kubo 9pm time na ng kapatid ko nagpalit na sila ng asawa ko sa pagpapump paglabas ng asawa ko sa NICU sumuko na si baby pinalabas lang niya yung daddy niya ang hirap ang sakit hindi nila alam kung pano uumpisahan na sabihin sakin yung nangyare kay baby kasi tulog ako nung time na yun hanggang sa narinig ko yung asawa ko siya yung nagsabi sakin Kasi kailangan na ako sa NICU para sa pepermahan ang Sakit hindi namin alam kung pano mag Uumpisa ulit Nawalan kmi ng 1st Baby 😭😭 Masakit para sa isang ina ang hindi mo manlang naalagaan ang baby mo 😔 #1stimemom #firstbaby

Ang Sakit Mawalan ng Anak
333 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

condolence po, subrang sakit po ng nangyari sa inyo. halos magkapareho lang tayo ng case buti nalang safe kami dalawa. ako Kasi Nov. 20 ng gabi nag labor na ako tapos 21 ng umaga ( 8 am) pumutok na panubigan ko at nakakain nadaw ng dumi si baby kaya Lang 2 cm pa kaya naadmit ako, pagdating ko sa hospital hinintay Ng mga doctor na mag open cervix ako Kasi continuous Naman Yung pag open ng cervix ko, Nov. 21 4 pm ubos na panubigan ko feel ko yun Kasi Wala ng lumalabas sakin, nag 10 cm narin pala cervix ko by that time kaya Lang ayaw Naman ako paanakin ng mga doctor Kasi hindi padaw tumitigas Yung tyan ko kaya tiis tiis lang Muna ako kahit subrang sakit na hanggang umabot ng gabi sinasabi ko na sa kanila na subrang sakit na di kuna kaya at Kung hindi paring talaga pwede na ilabas si baby e CS nalang ako pero pinipilit nila na e normal ko kase normal hanggang kinaumagahan naka oxygen na ako at lagi na nilang inoobserabahan si baby Kasi humihina na paghinga Niya pero ayaw parin nila e CS, mga 11 am na nuon at Wala na talaga akong lakas, kapag kinakausap nila ako tumatango nalang ako at Wala ng ibang lumalabas sa bibig ko kundi " Anak ko nalang, please iligtas niyo Anak ko" Yan nalang talaga hanggang sa nagdesisyon na sila na e CS nalang kaya Lang inaantay pa nila Yung doctor na mag CS sakin Kasi Wala pa pero nung mga sandaling iyon akala ko talaga mamamatay na ako at baka pati ang Anak ko kaya sinabi ko sa mga nurse na manganganak na talaga ako at dinala na Naman ako sa delivery room pero ayaw parin ako paanakin dahil yun nga hindi pa Naman daw tumitigas tiyan ko indication na ready nanga si baby lumabas kaya ayon hinayaan lang Muna nila ako at sila tamang hawak lang sa CP tapos tseka ganern, kaya ginawaa ko umiri ako Ng umiri tapos tinutulak ko tiyan ko pababa hanggang sa nakalabas na ulo ni baby kaya sila tarantang taranta, at ako ayun collapse Wala na talaga akong malay, nalaman ko nalang subrang dami pala ng dugo na lumabas sa akin kaya ako nag collapse. tiyaka may mga ugat ako sa mata na naputol kaya ilang lingo ring red eyes e Kasi Naman lahat na ata na pwede Kung kuhanan ng lakas e tinudo kuna sa takot ko kase na baka dina ako abotan ng doctor. yun lang first time story ko manganak. sa iba Naman diyan na manganganak palang ito lang advise ko, "Huwag niyong iasa lahat sa doctor, isipin niyong buhay mo at ng magiging Anak niyo ang nakasalalay" tulad ko, hindi ko Alam Kung buhay pa ako ngayon Kung hindi ako nag sariling sikap nun kase na feel kuna katapusan ko nun eh.

Magbasa pa
5y ago

tama ka momsh.. kung talagang feeling mo gustong gusto mo ng umire, lalo na't fully dilated kana, di na kelangan maghintay pa ng doctor.. kasi kusa naman lalabas c baby pag umire ka.. at tayo ang mas nakakaalam kung manganganak na tayo o hindi dahil tayo yung naglalabor.. madami nga jan napaanak ng kahit wala nmang doctor na nag alalay sa kanila.. buhay natin at ng baby natin nakasalalay kaya we have to make the right choices.. di talaga lahat ng hospital maaasahan.. condolence kay momsh na nawalan 😔 due date ko rin this month, bigla tuloy ako kinabahan..