Ang Sakit Mawalan ng Anak

January-17-2021 4am palang naglalabor na ako subrang sakit na ng tiyan ko umiiyak na ako sa asawa ko 8am pumunta na kami sa hospital ing IE ako 3cm palang daw nakiusap ako na iCS nalang nila ako kasi hindi kuna kaya pero pinauwe nila ako nung time na yan umiiyak na ako kasi yung sakit hindi kuna talaga kaya hanggang hapon umiiyak ako sa sakit nanghihina na din kaya naka alalay na sakin yung asawa ko tapos 3pm bumalik kami hindi parin nila ako tinanggap naglalabor na daw ako pag dinugo na daw ako tsaka ako bumalik pinauwe nila ako ulit nakiusap ako ulit sa kanila na iCS na nila ako kasiyung sakit hindi kuna kaya hirap na hirap na ako hinang hina pero kailangan kudaw eh Normal si baby umuwe na kami hanggang nasa bahay na kami nanghihina na ako wala na akung lakas naka alalay na sila sakin 7:30 bumalik kaming hospital ayon tinanggap na nila ako pumutok na pala yung panubigan ko puro nadin ako dugo nun sa panty ko pinahiga na nila ako pinilit inormal si Baby kahit hindi kuna kaya sa dalawang oras ko sa loob umiire isang oras at kalahati din akung naka Oxygen nun hirap siyang ilabas kaya kinakapos nadin ng hininga pinupush na ng doctor yung tiyan ko kasi hirap na hirap talaga ako na ilabas siya diku talaga siya kayang ilabas hanggang sa ing pwersa na ng doctor (lalaki po yubg doctor) yung pag push niya malabas lang si baby nalabas na nga siya pero yung tiyan ko subrang lamog na lamog na pag labas niya hindi na siya humihinga pero my heartbeat pa siya nung time na narinig ko yung doctor kahit hinang hina na ako at pikit na pikit na pinilit kung imulat yung mata ko para makita yung lagay niya sinusurvived siya ng doctor nung time na yun dinala na siya sa NICU tinawag na nila yung asawa ko para my mag pump kay baby sa loob ng NICU kasi nilagyan na siya ng Tubo buong gabi andon ang asawa ko nakabantay at nagpapump kay baby ako wala akung kasama sa higaan ko hindi alam ang nangyayare buong gabi gising nagdadasal . Jan.18 pinapunta namin ng hospital yung kapatid ko nagpa swabtest muna siya bago nakapasok sa hospital para my kapalitan yung asawa ko para my magbantay na din sakin at kay baby palitan sila Jan.18 3pm nakaya na niya yung Oxygen nakakapaglikot likot nadin siya subrang likot na nga ehh hanggang 11pm ng gabi tinawag ulit yung asawa ko kailangan daw niya ipump ulit si baby ganun nanaman yung sitwasyon nila ng kapatid ko palitan every 2hrs Jan.19 pinalabs na ako ng hospital pero bawal pa ako umuwe kasi magpapadede pa ako pag okey na si baby kaya ayon kahit bagong panganak nasa labas lang ako ng hospital sa kubo kubo 9pm time na ng kapatid ko nagpalit na sila ng asawa ko sa pagpapump paglabas ng asawa ko sa NICU sumuko na si baby pinalabas lang niya yung daddy niya ang hirap ang sakit hindi nila alam kung pano uumpisahan na sabihin sakin yung nangyare kay baby kasi tulog ako nung time na yun hanggang sa narinig ko yung asawa ko siya yung nagsabi sakin Kasi kailangan na ako sa NICU para sa pepermahan ang Sakit hindi namin alam kung pano mag Uumpisa ulit Nawalan kmi ng 1st Baby ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Masakit para sa isang ina ang hindi mo manlang naalagaan ang baby mo ๐Ÿ˜” #1stimemom #firstbaby

Ang Sakit Mawalan ng Anak
333 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

condolence po, subrang sakit po ng nangyari sa inyo. halos magkapareho lang tayo ng case buti nalang safe kami dalawa. ako Kasi Nov. 20 ng gabi nag labor na ako tapos 21 ng umaga ( 8 am) pumutok na panubigan ko at nakakain nadaw ng dumi si baby kaya Lang 2 cm pa kaya naadmit ako, pagdating ko sa hospital hinintay Ng mga doctor na mag open cervix ako Kasi continuous Naman Yung pag open ng cervix ko, Nov. 21 4 pm ubos na panubigan ko feel ko yun Kasi Wala ng lumalabas sakin, nag 10 cm narin pala cervix ko by that time kaya Lang ayaw Naman ako paanakin ng mga doctor Kasi hindi padaw tumitigas Yung tyan ko kaya tiis tiis lang Muna ako kahit subrang sakit na hanggang umabot ng gabi sinasabi ko na sa kanila na subrang sakit na di kuna kaya at Kung hindi paring talaga pwede na ilabas si baby e CS nalang ako pero pinipilit nila na e normal ko kase normal hanggang kinaumagahan naka oxygen na ako at lagi na nilang inoobserabahan si baby Kasi humihina na paghinga Niya pero ayaw parin nila e CS, mga 11 am na nuon at Wala na talaga akong lakas, kapag kinakausap nila ako tumatango nalang ako at Wala ng ibang lumalabas sa bibig ko kundi " Anak ko nalang, please iligtas niyo Anak ko" Yan nalang talaga hanggang sa nagdesisyon na sila na e CS nalang kaya Lang inaantay pa nila Yung doctor na mag CS sakin Kasi Wala pa pero nung mga sandaling iyon akala ko talaga mamamatay na ako at baka pati ang Anak ko kaya sinabi ko sa mga nurse na manganganak na talaga ako at dinala na Naman ako sa delivery room pero ayaw parin ako paanakin dahil yun nga hindi pa Naman daw tumitigas tiyan ko indication na ready nanga si baby lumabas kaya ayon hinayaan lang Muna nila ako at sila tamang hawak lang sa CP tapos tseka ganern, kaya ginawaa ko umiri ako Ng umiri tapos tinutulak ko tiyan ko pababa hanggang sa nakalabas na ulo ni baby kaya sila tarantang taranta, at ako ayun collapse Wala na talaga akong malay, nalaman ko nalang subrang dami pala ng dugo na lumabas sa akin kaya ako nag collapse. tiyaka may mga ugat ako sa mata na naputol kaya ilang lingo ring red eyes e Kasi Naman lahat na ata na pwede Kung kuhanan ng lakas e tinudo kuna sa takot ko kase na baka dina ako abotan ng doctor. yun lang first time story ko manganak. sa iba Naman diyan na manganganak palang ito lang advise ko, "Huwag niyong iasa lahat sa doctor, isipin niyong buhay mo at ng magiging Anak niyo ang nakasalalay" tulad ko, hindi ko Alam Kung buhay pa ako ngayon Kung hindi ako nag sariling sikap nun kase na feel kuna katapusan ko nun eh.

Magbasa pa
4y ago

tama ka momsh.. kung talagang feeling mo gustong gusto mo ng umire, lalo na't fully dilated kana, di na kelangan maghintay pa ng doctor.. kasi kusa naman lalabas c baby pag umire ka.. at tayo ang mas nakakaalam kung manganganak na tayo o hindi dahil tayo yung naglalabor.. madami nga jan napaanak ng kahit wala nmang doctor na nag alalay sa kanila.. buhay natin at ng baby natin nakasalalay kaya we have to make the right choices.. di talaga lahat ng hospital maaasahan.. condolence kay momsh na nawalan ๐Ÿ˜” due date ko rin this month, bigla tuloy ako kinabahan..

Hi mommy ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜” I feel your pain parehas Tayo ng naging sitwasyon, sobrang hirap mawalan ng anak almost 9 months ko inatim na makita at masilayan ang di nadala ko sa sinapupunan ko, pero hindi kami pinalad na makasama sya! Ako noon walang nararamdaman sakit pero Sabi Nila need ko na confine Dahil 5cm na daw di nananakit Chan ko, hindi pa ako nag lalabor pero open cervix na talaga almost 12hours Bago sumakit Chan ko Dahil pinapasukan Nila gamot pwerta ko pampalambot kwelyo ng matres daw tapos nag uumpisa na sumakit hanggang sa lalabas na pero hindi ko mailabas Sabi ko din CS na ako di daw Pwede kc lalabas na Sabi ko push na Nila Tyan ko Para mailabas ko na ayaw Nila ipush pinilit Nila iire ko at di ko talaga Kaya ilabas Dasal ire Dasal ire ginagawa ko then tinulungan na ako ng nurse pinush nya Tyan ko at nalabas ko Si baby hindi na umiiyak naririnig ko pinapalo Nila at tinataob wala parang iyak itinakbo Nila sa nicu at pinata wag asawa ko na need tubuhan ni baby! 22days nya nilabanan ang buhay nya pero hindi kami pinalad makasama sya sobrang hirap pa non Dahil lock down, muntik pa I cremate ang baby ko Dahil ang finding sa kanya ay Pnuemonia at sepsis buti na Lang na swab test sya at nlumabas result negative Kaya na kasama pa namin sya NG 2days ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ hanggang ngayon masakit pa rin! Pero Patuloy lumalaban! Halos half million naging bill namin till now nag ba bayad kami ๐Ÿ˜”

Magbasa pa
4y ago

Condolences po ๐Ÿ˜ญ

Pag public talaga maya mayain ka jan, daan daanan ka lang. Kaya tips ko sa mga mag give birth palang, kung sa public kayo manganganak, kailangan mo mag tapang tapangan wag kayo oo lang ng oo. Last October induce labor ako, 5 hrs bago pumutok panubigan ko. Pagkaputok sarap na umire wala ng sakit, kaya sabi ko sa mga nurse dalhin na ako sa delivery room kasi lalabas na pero bingi bingian sila lahat. Kaya ang ginawa ko kinalabit oo ung janitor nagmakaawa ako dalhin ako sa delivery room, kaya kumuha sya ng bed na Di gulong at sinakay ako. Pagdating sa delivery room ako na kusang umakyat sa paanakan, para pumwisto na ako dun. Pinaalis pa nila ako kasi 7cm pa daw malayo pa. Hnd ako nakikinig sakanila, wla man lang nag abang sakin ng nurse nasa isip ko pa nun baka bigla lumabas si baby at mahulog kasi taas ng paanakan. Pero sumigaw ako na anjan na kasi ramdam ko nasa pwerta ko na, kaya nagtakbuhan ung dalawang nurse papunta sakin. Tatlong push lang lumabas na si baby boy ko. Kaya kayo jan, wag kayo sumunod sa sa sabihin nila na uwi hnd kp manganak. Kung pauwiin ka talaga mag stay ka lang within premises de bale manganak basta nasa ospital ka nagtakbuhan pupunta sayo mga yan.

Magbasa pa
4y ago

totoo yan sis dapat mala tigre ka kasi kung hindi ayy naku wapakels mga yan

condolence mommy! alam ko po yung feeling nyo ngayon. ganyan din nangyari sa baby ko.. natagalan syang ilabas kasi cord coil pala sya tapos paglabas nya wala na syang malay at nirevive na lang sya. nirefer sya sa ospital na may pedia nakaiyak na sya dun at sobrang likot pero di nya kaya wala oxygen. ngkaroon na ng ibang complications dahil matagal syang na stuck. ngkaroon ng bleeding ang brain nya kaya lagi sya nag sseizure. di din normal ang blood sugar nya at di nya kaya pag mainit, nilalagnat sya kaya kumuha kami ng private room. nakasama din namin sya ng isang araq. hinintay lang nya kami ng papa nya na mahele sya tapos nung hapon humina na paghinga nya hanggang na intubate na sya at bumigay na sya. i know exactly how it feels mommy na parang di mo alam panu harapin ang mundo, ung naiinggit ka pag malaki na ang baby ng mga kasabay mo nanganak. it's been 3 months pero masakit parin sa akin since first baby namin and supposed to be first apo sa side ko. wala tayong magagawa mommy.. just let yourself feel the anger, pain at lahat hanggang sa unti unti maging okay ka. i know you'll get through this. di ka nag iisa mommy.. marami nagmamahal sayo.

Magbasa pa
Post reply image
TapFluencer

January 18 napansin kong maghapon matigas ang tiyan ko at hindi na halos gumagalaw si baby. Then, mga 5pm may tumulo ng dugo sakin, pero mild lng ang pain na nararamdaman ko. Pumunta na kami ng Lying-In ng partner ko kasi ang nasa isip nmin kapag ganon eh malapit na ko manganak. Pag punta nmin dun, in-IE ako at 3cm lang. Actually, 2 weeks akong nagstay sa 3cm, hindi daw nagpprogress,' tinawanan pa nga ako ng midwife dun. Sabi nya na may halong tawa eh may dugo daw talaga kapag malapit na manganak natural lang daw at balak pa nila ko pauwiin. Hindi ako pumayag kasi sabi ko na kakaiba na talaga ung pakiramdam ko hanggang sa tinawagan na nila ung OB. Sinabi sakin ng OB na wag na umuwi at magstay na lng sa Lying-In para maobserbahan at kung wala pa din progress ay isi-CS na nya ko. So, nung wala pa ring progress kinabukasan, madaling araw un dinala na kagad ako sa hopital para isagawa ung CS operation. Nakapulupot na pala ung cord kay baby. Mabuti na lang at hindi ako pumayag na umuwi pa. Condolence po sa inyo ng asawa mo. Umiiyak ako habang nagbabasa.

Magbasa pa
4y ago

Totoo.. Nakakainis kapag tinatawanan pa nila tau.. Katawan natin ito kaya tayo may alam kung ano na ba narramdaman natin shine-share lang natin sa kanila. Ka-Sad lang talaga kasi ganon tlaga.

Hi momshie NUNG nabasa ko Ito kwento mo super naka relate ako. Nanganak ako via CS Baby 4.5 healthy baby boy. Ilan days or months na aKONG di nakaramdam ng labor at nag aalala ako na ma over due KAYA Naman LAHAT ginawa ko para maglabor na ako. Gaya Ng pineapple juice, primrose ,dahon ng atis na may luya. Edd ko ay january 18 pero January 16 ay nanganak na ako. Emergency CS ako. Pinilit ko din na mag normal delivery pero napansin ng midwife na tumataas Ang dugo ko na umabot ng 180/140. KAYA sinugod ako sa hospital ng madaling ARAW ng 4 am malayo Ang hospital . Pumutok na panubigan ko ng 2am at ganun din nag swab muna kami mag asAwa BAGo ako ma cs umaga na ako na cs mga 6am na nailabas c baby. MALAKI ngalang bill NAMIN 81k din inabot.wala kaming pang cs 20k lang Meron kami KAYA nakapangutang kami para Lang makalabas na sa hospital. Salamat talaga at na cs ako pwde daw Kasi di makalabas si baby at ako ay ma eclampsia. Ngaun nasa BAHAY na kami Ng baby. Thanks God

Magbasa pa

Dear mommy, Nakikiramay po ako sa inyo. Napakalungkot po talaga ng nangyari at hindi talaga mailalarawan ang sakit. Makakasigurado ka mommy na hindi ka nag iisa sa panahong ito ng pagdadalamhati. Ang Tagapagbigay-buhay natin, ang Diyos, ay lubusang nakakaunawa sa nadarama mong hirap at pagdurusa. Hindi Niya kailanman gustong mamatay o mamatayan tayo. Para tiyakin yan sayo mommy, meron akong ishe share na babasahin na makakatulong sayo na makayanan ang lungkot at pagdadalamhati. Mababasa mo din dito kung anong pag-asa ang mayroon para sa mga namatay nating mahal sa buhay. https://www.jw.org/tl/library/magasin/gumising-blg3-2018-nob-dis/ Marami pang babasahin ang makakatulong sayo sa website na ito. Sana maibsan nito ang nadarama mong sakit. Muli, nakikiramay ako sayo momy.

Magbasa pa

Gusto kong magmura nkakagalit , sobra prang walang halaga sknla pasyente nla pinabyaan ka nla , bnalewala nla yung kalagyan mo, ta!@_@:@โ‚ฌ; ospital yan walang karapatan maging medical personel yang mga ngassist sau dhil pinabyaan kaung mag ina ta!@$@^#& tgnan mo baby mo magnda katawan , healthy sya , ang nngyre sknya nhrapan na sya sa loob ng tyan mo dhil nga dpat umpisa plng inasikaso kna nla kasi lalabas na tlga sya eh. kaya nhrapn na sya huminga eh. Dpat sa mga yan wag ng mgtrabho sa ospital sa opisina nlng sila d sila mrunong mgbgay ng simpatya at awa sa pasyente d porket public lng eh dpat gnyan na sila umasta ta$!&#*sayang bnbyad sknla ng gobyerno.

Magbasa pa
4y ago

Mismo. Sabi sa comment na nabasa ko kanina protocol daw sa hospital na pag hangga't walang complication hindi pwede ics. Grabe yung ganun. Kaya nga sa hospital gusto manganak ksi kumpleto facilities kung ano man mangyari ready ang hospital pero bakit ganun? Bakit may ganung protocol? Hayy nakakalungkot.

ganyan na ganyan nangyari sa akin nung last august akala o cs nila ako kc pumutok n panubigan pero pinilit nila ako inormal kahit hirap n hirap na ako natubuhan din sya nabuhay ang baby ko ng 2 weeks tas bumigay din sya first baby ko din sya... kapit lang tayo mommy alam kong mahirap ang daming tanong natin pero wala na eh kung baga ang sabi bkt kinuha skin yung mismong pangarap ko parang dumaan lang buhay ko pero wala eh wala nmn na tayong mgagawa kasama na sya ni god until now mahirap pa din pero cgurado babalik yung baby mo n nwwla sau tiwala ka lang yan din lagi nadidinig sa mga nag papayo skin pag may nawala may darating..

Magbasa pa

ang sakit๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ bakit cla ganyan.ako nga 2 cm pinuwi dn ako peru nung subrang sakit na talag 4cm na pagbalik ko dun.hnd na ako pinauwi kaht hnd pa pumutok panubigan ko.cla na nagputok.nag insert cla sa pwerta ko ng primrose tapos my nilagay cla sa swero ng pangpahilab.kaya ayun bilis ko nailabas c baby.at buti nlang buhay pa baby ko kasi nakakain na ng popo.first baby kopo cya sa center lang ako nanganak. mabait namn yung nurse at midwife sakin.kaya asikaso talaga nila ako. condolence sau moms.kung ako nun sisihin ko yung doctor.kasalanan nya nawala baby mo.d sana yun mangyari sa baby mo.

Magbasa pa