Gusto ko magpalit ng ob-gyne. Kasi medyo di maganda experience ko. Gusto ko magtanong ng madami kaso di ko alam anong —

Itatanong kasi first baby ko to. Di nya ako tinanong kung may ibang sakit ba ako, mga ganon. Ako na. nag open up na may allergy ako. May meds ako for that. Tapos pagpasok ko sa ultrasound, iba tono nya kasi di ko alam ano gagawin like sa pagbukaka pag ipapasok yung para makita yung baby. Panay lang ako sorry. Hanggang sa matapos consultation sorry ako ng sorry pag may mali akong tanong or maling position. Tapos, naoverheard ko pa yung usapan nila ng nurse tungkol sa age ng pag bubuntis. Na nagjojoke yung doctor na ilang taon na ba si nurse, gusto na din ba mapreggy. Eh sabi ni Nurse, 25 lang daw sya baby pa sya for that. Na parang sobrang unusual na bakit yon topic nila. 25 years old ako, mukhang nene. 4’11 lang ako. Ayoko ishare yung convo nila, kasi di ko kabisado word by word. Basta pinag usapan nila bigla yung si doc, na matured enough na daw sya nag buntis. So parang naiiyak ako while waiting for my result. Nafeel kong nanliit ako. Basta, mommies di ko alam. I was crying that time pero I was trying to control it. Kachat ko friend ko tapos sinabi ko yon. I dont know if Im being emotional and sensitive pero gusto ko lang may kakwentuhan.

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Change Ob na po. dapat po comfortable ka sa magiging ob mo and dapat in good terms kayo. Sa way palang ng pag check up nya sayo parang may something na iba sakanya. Pwede po tayo mamili ng OB mga mommy, hindi po masama magpalit. Nagpalit din ako ng OB, ok naman yung OB ko, pero laging may negative syang sinasabi, I know na normal na ganun yung mga OB. pero hindi ako komportable pag paulit ulit. na para bang may mali sa pinag bubuntis ko, kahit ok naman lahat ng results ko. Kaya i decided na mag palit ng OB. Then ok naman lahat ngayon.

Magbasa pa