Gusto ko magpalit ng ob-gyne. Kasi medyo di maganda experience ko. Gusto ko magtanong ng madami kaso di ko alam anong —

Itatanong kasi first baby ko to. Di nya ako tinanong kung may ibang sakit ba ako, mga ganon. Ako na. nag open up na may allergy ako. May meds ako for that. Tapos pagpasok ko sa ultrasound, iba tono nya kasi di ko alam ano gagawin like sa pagbukaka pag ipapasok yung para makita yung baby. Panay lang ako sorry. Hanggang sa matapos consultation sorry ako ng sorry pag may mali akong tanong or maling position. Tapos, naoverheard ko pa yung usapan nila ng nurse tungkol sa age ng pag bubuntis. Na nagjojoke yung doctor na ilang taon na ba si nurse, gusto na din ba mapreggy. Eh sabi ni Nurse, 25 lang daw sya baby pa sya for that. Na parang sobrang unusual na bakit yon topic nila. 25 years old ako, mukhang nene. 4’11 lang ako. Ayoko ishare yung convo nila, kasi di ko kabisado word by word. Basta pinag usapan nila bigla yung si doc, na matured enough na daw sya nag buntis. So parang naiiyak ako while waiting for my result. Nafeel kong nanliit ako. Basta, mommies di ko alam. I was crying that time pero I was trying to control it. Kachat ko friend ko tapos sinabi ko yon. I dont know if Im being emotional and sensitive pero gusto ko lang may kakwentuhan.

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Meron akong napuntahang OB nung one time na hindi ako dinatnan, all along I thought preggy ako nun. Tapos nagtanong ako sa OB na yon tungkol sa possible meds para makatulong sa pagbubuntis, kasi gusto pa namin magka baby despite having 2. Sabi nya bigla, bakit pa? May 2 ka na, magastos mag-anak. I think as a professional, that was uncalled for. I never went back to her. Ngayon preggy na ako, bumalik ako sa OB ko sa 2 kids ko. Whenever I go for check-ups, lagi akong may dalang listahan ng questions and I told her pasensya na madami akong tanong. I was very pleased when she responded, mas gusto ko yan kesa naman pag-uwi mo, igo-google mo lahat ng tanong mo. Find an OB na komportable ka. Also, you pay for their services so I would say, get your money’s worth. Also, don’t apologize, it’s their chosen profession to care for patients.

Magbasa pa

Change Ob na po. dapat po comfortable ka sa magiging ob mo and dapat in good terms kayo. Sa way palang ng pag check up nya sayo parang may something na iba sakanya. Pwede po tayo mamili ng OB mga mommy, hindi po masama magpalit. Nagpalit din ako ng OB, ok naman yung OB ko, pero laging may negative syang sinasabi, I know na normal na ganun yung mga OB. pero hindi ako komportable pag paulit ulit. na para bang may mali sa pinag bubuntis ko, kahit ok naman lahat ng results ko. Kaya i decided na mag palit ng OB. Then ok naman lahat ngayon.

Magbasa pa

change ob ka po....Yung dati ko ob sobrang bait as in....pag need mo magtanong sasagot agad sya sayo thru text sasabihin sayo Ang sagot sa Tanong mo no need na pumunta ng clinic nya unlike sa iba sasabihan ka na pumunta ka sa clinic para alam daw nya....kahit na explain mo Naman na....para syempre may kita sila kada check up sayo....Kaya nirecommend ko sa ate ko and friends Yung ob ko kc talagang subok na....🥰🥰🥰🥰

Magbasa pa
3y ago

Sayang ang layo naman masungit din ob ko pangalawang ob kona to 🤦🏻‍♀️

ganyan din ako sa 1st ob na pinuntahan ko, kesyo ambata pa daw ng 24 para mag buntis at jinudge din ako, graduating palang kasi ako sa college as in diploma nalang kulang, tapos may itatanong ka parang di interisado na sumagot sa mga question mo, parag nag mamadali samantalang ako lang mag papa check up that day, kaya lumipat ako ob nun and yung 2nd ob okay siya, nakakapag tanong ako ng maayos , komportable lang ako

Magbasa pa

Change ob na girl. May experience din ako na ganyan nun 1st time ko mgpa check up. Hay nako sa medical city pasig pa naman..not to name na since madami dn mababait na doctor dun. Haha! Kaya kahit feeling ko sensitive ako nun or what, change ob ako. Mabait to current ob ko at super entertain ka nya. Walang maling tanong. Hindi tulad sa unang ob parang bawal magtanong. Hahaha!

Magbasa pa

change ob na po, hindi din maganda experience ko sa dati kung ob meron kasi akong myoma puro nega sinasabi niya tungkol sa pagbubuntis ko na pwede daw ako mapa anak anumang oras at magkaron daw ng deformity baby ko, iyak ako ng iyak nun pagkauwi ko ng bahay sa mga sinabi niya hindi ako na stress sa trabaho ko sa kanya ako na stress kaya nagpalit na lng ako.

Magbasa pa
3y ago

Kaya nga po, grabe no. First baby ko pa man din, akala ko magiging emotional support ko po yung ob ko pero baliktad pala. Good decision na nagpalit ka po, gagawin natin lahat para kay baby.

change ob sis. importante yung komportable ka sa ob. ako din nagpalit. kasi di man lang magbigay ng contact number kahit man lang yung sa secretary. what if may emergency diba? tapos pag dadaan ako sa clinic niya hapon na andun pa yung mga buntis. pano sasabihin 9am ang open ng clinic ang dating 2pm. kaya nag switch ako at super thankful ako sa ob ko now kasi maalaga.

Magbasa pa

Pwede ka naman po magpalit ng OB. I was uncomfortable with my 1st OB, so I decided na magpalit. Now, Im all good with my current OB. Habang maaga pa, nasa 1st trimester ka, magpalit ka na para may magmonitor na ng tuluy tuloy sa status mo. 👌 Tska wag ka matakot. May patient-doctor confidentiality naman. At hindi mo na sya makita ulit. Haha

Magbasa pa

Change ob na po. mas best po yung ob na comfortable ka at alam mong may mutual na respect for each other. Mahirap mag stay sa isang ob na ganyan ang treatment sayo. Mahirap po ang pregnancy journey, it is nice to have a doctor na mabilis mong malapitan sa mga problema mo at questions mo about your pregnancy . 🤗🤗

Magbasa pa

Same! Akin mejo okay naman kaso nakakaintimidate magtanong. Nagtext din ako once na kung need ko na ba pumunta sa kanya or ospital since may light brown discharge ako, pinagalitan pa ako. lol Kaya nga nagtatanong ako kasi first time ko at wala pa akong alam sa mga ganun. lol

3y ago

Planning to change OB soon.