Gusto ko magpalit ng ob-gyne. Kasi medyo di maganda experience ko. Gusto ko magtanong ng madami kaso di ko alam anong —

Itatanong kasi first baby ko to. Di nya ako tinanong kung may ibang sakit ba ako, mga ganon. Ako na. nag open up na may allergy ako. May meds ako for that. Tapos pagpasok ko sa ultrasound, iba tono nya kasi di ko alam ano gagawin like sa pagbukaka pag ipapasok yung para makita yung baby. Panay lang ako sorry. Hanggang sa matapos consultation sorry ako ng sorry pag may mali akong tanong or maling position. Tapos, naoverheard ko pa yung usapan nila ng nurse tungkol sa age ng pag bubuntis. Na nagjojoke yung doctor na ilang taon na ba si nurse, gusto na din ba mapreggy. Eh sabi ni Nurse, 25 lang daw sya baby pa sya for that. Na parang sobrang unusual na bakit yon topic nila. 25 years old ako, mukhang nene. 4’11 lang ako. Ayoko ishare yung convo nila, kasi di ko kabisado word by word. Basta pinag usapan nila bigla yung si doc, na matured enough na daw sya nag buntis. So parang naiiyak ako while waiting for my result. Nafeel kong nanliit ako. Basta, mommies di ko alam. I was crying that time pero I was trying to control it. Kachat ko friend ko tapos sinabi ko yon. I dont know if Im being emotional and sensitive pero gusto ko lang may kakwentuhan.

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mg change ob ka po kasi baka one of the reason pa yan na ma stress ka... Hanap ka po ng ibang ob na jolly at approachable.. Importante din kasi na magaan din yung loob mo sa ob mo para mkapag open up ka ng mga about sa pregnancy concern mo po. Lalo na 1st tym mo po.

Change OB na sis. Una ko consider sa OB ko ung comfortable ba sya kausap. Matanong at syempre first baby gusto mo lahat malaman at maassure dba. Pero kung every punta ka sa OB mo at may negative kanang feelings. Di ok un

pwde ka lipat sis gnyan din ako parang pera pera nalang ung gusto tapos hindi ka ientertain naturingan private hospital at nagbabayad naman ako. lumipat ako sa iba mas nagustuhan ko mabait at maayos kausap ang OB.

lipat ka na ob mamsh, ako naka dalawang lipat ako na OB bago ko mahaap talaga kung san ako komportable, kahit medyo malayo ay dun ko pinush dahil yung ob na yun yung parang may care talaga sa pasyente

If hinde mo ka vibes sis ung OB magpalit ka. Unang OB ko hinde ko din ka vibes kaya lumipat ako at hinde ako nagsisi kasi napaka bait ng bago ko OB. Pede mo contact anytime pag me questions ka.

mag change ka nang OB momsh.. nakaka stress sya.. wlang paki alam sayo.. natural lang na marami kang questions kasi 1st tym mo.. marami pang OB jan na mabait at maalaga sa mga pasyente nla

VIP Member

buti nalang mabait yung OB ko. 23 y/o palang me. Super approachable ng OB ko. Since first baby ko ito, Lahat ng questions ko, sinasagot nya. Binibigyan nya pa ko ng free vits. 😊

palit na ng ob sis para d ka ma stress been there nakaranas ako ng OB na walang pake 🥴 kahit nung walang heartbeat baby ko hindi ako kinausap biglang umalis ng walang sinasabe

Palit OB na, mommy. Ke emotional ka or insensitive at unprofessional ang OB mo, lipat kna sa iba. Para di sayang ibabayad mo at para maayos pregnancy journey mo.

If hindi ko komportable mommy, better change ka na po ng OB. Mas masarap kasama sa pregnancy journey mo yun komportable ka na OB ☺️☺️