Mahal na mahal ko asawa ko kahit Gago

Hi itago nyo na lang ako sa pangalang Elle marami nagkakagusto sakin nun dahil simpleng babae ako at maganda halos marami akong manliligaw nung college 21 na ako ngayon kinasal ako sa kanya nung buntis ako pero mahal na mahal niya ako kaso parang biglang nag iba ang ihip ng hangin ,Mahal na mahal ko asawa ko kahit napakagago nahuli ko siya tatlong beses na may kausap na babae ,katrabaho niya ,ex at ibang babae ,nung buntis ako nahuli ko siya na kalandian niya katrabaho niya at sabi niya sa katrabaho niya``Pano kung mainlove ako sayo alam kong mali pero gusto kita di lang sa maka sex "tapos sabing babae ayoko naman makasira ng relasyon nyo " basang basa ko pakikipaglandian nila tumatawag ang babae at ako nakasagot dahil tulog siya sa ka lasingan pinagmumura ko yun sa sobrang galit at tinigilan niya asawa ko tapos di ne deny niya na hindi daw siya nagtxt nun halos kilala ko mga txt niya at alam kong siya yun mag 1 year na yun at hindi mawala sa isip ko ginawa niya katarantudahan kaya lagi na ako paranoid ,Sobrang sakit sakin mga momshie kasi buntis ako nun at panay stalk niya sa ex niya at nung nanganak ako may ka chat siya babae,niyaya niya uminom PALAINOM SIYA HALOS WALA NA KAMI NAIIPON ,SINAKTAN NIYA DIN AKO NUNG LASING SIYA KASI SINAMPAL KO SIYA KASI SABI NIYA KADIRI DAW AKO NANGGIGIL AKO AT NASAMPAL KO SIYA At sinaktan niya kami ni Baby kargakarga kosibaby nun at natatamaan na din si bby kundi lang kami inawat ng biyenan ko patay na siguro ako ,pagkatapos nun nagpa comfort siya ex niya ,nakikiusap ako balikan kaming mag ina kasi mahal na mahal ko siya siya yung first bf ko at pinakasalan niya ako gusto ko siya maginglast sa buhay ko sa tuwing di niya kami inuuwian ng anak ko masakit dahil nagpapalulong siya sa alak puro na lang siya alak ,panay selos ko sa ex niya kasi magkapitbahay lang yun at nagalit siya kasi binabalikan ko yung mga tapos na daw EH HINDI NAMAN TAPOS PARASAKIN YUN KASI WALANG SAGOT SA MGA KATANUNGAN KO AT AYAW NIYA UMAMIN. Galit pa siya kakahinala ko daw papatunayan niyang maybabae siya at pinatunayan niyang may nilalandi siyang babae ngayon .Tama pa bang mahalin ko asawa ko ? ang Dami ko nang chance at umaasa ako na magbabago siya mahal na mahal ko asawa ko, alam ko balangaraw may marereliaze siya.DAHIL AYOKO NANG BROKEN FAMILY AT BABAE ANAK KO INIISIP KO PAANO NA KAMI :( AYOKO NANG SIRANG PAMILYA DIKO PINANGARAP YUN :(

86 Replies

Mommy pag nagloko ang asawa pwede pang patawarin, pero pag sinaktan ka na ng pisikal at anak mo. Stop na. Pero kung di mo pa kaya. Ignore mo nalang siya. Iwasan mo siya para iwas gulo. Focus ka sa anak mo at sarili mo muna. Pag na build mo na ulit yung sarili mo im sure kaya mo na siyang iwan kahit mahal mo pa siya.

Isa kang malaking martyr mommy. Ano ba yan. Sinasaktan kna't lahat2 pati ung baby mo mahal pa din ayaw pa dn ng broken family? Mas mabuti ng broken fam kesa naman completo kayo bugbog sarado ka naman. Baka mapatay pa kayo nyan. Ni hndi nga inisip nyan mararamdaman mo oa ulit2 kang ginagago kahit buntis kpa. Hays.

Nako once sinaktan kana ng lalaki iwanan mo na! Hindi kana mahal nyan dahil kung mahal kapa nyan hindi nya magagawang saktan ka. Isipin mo yung anak mo gusto mo din ba dumating na din sa point na hindi lang ikaw ang saktan? pati nadin ang anak mo? Walang kwenta asawa mo! at pwede nya pa yang ulitin ulit sayo!

Una sa lahat..mas mahalin mo ang sarili mo bago sa asawa mo.. Wag mo ibuhos lahat mg pagmamahal mo saknya. Sa pagaasawa hindi lang isa ang gagawa ng paraan para gumanda o tumatag ang pagsasama kayong dalawa ang magwowork jan. Maawa ka sa sarili mo at sa magiging future nio sakanya ng anak mo.

Mas unahin mo kapakanan ng anak mo. Walang mangyayari sayo kung ang uunahin mo puso . Mag isip karin hindi kana nag iisa may anak ka ng kailangan buhayin. Wag kang umasa sa isang lalaki yan. Kung mahal ka talaga nyan di nya magagawang saktan ka pati ang anak mo. Pakatatag ka para sa baby mo.

Hindi naman masama magmahal mamsh ang masama eh yung dika tratuhin ng tama.kong asawa ko yan baka pinukol kona sa ulo yan napakaharot kagigil my asawat anak na nga ganyan pa gawain. Kong mahal ka niyan makokontento siya sa inyong mag ina niya. Try mo nga pukulin mamsh baka sakaling matauhan

kung ako sayo hayaan mo n lng sya s buhay nya msyado na magulo ang pag iisp at buhay ng asawa mo. kung gusto mo ng tahimik n buhay iwan mo n yan. Mas MASARAP MAMUHAY NG TAHIMIK kesa makisama s taong ganyan n walang gnawa kundi istressed ang sarili mo ksama sya. Mahalin mo ang Baby mo .

Wag mo isip king broken family sis ang isip mo yun anak mo okay lang ba sayo lagi nia makikita na ng aaway kayo ako ganyan din sa una ko yun tatay ng anak ko iniwan ko happy ako ngaun sa new family ko at tangap nila anak ko pinakasaln din ako ng asawa ko isipn mo mabuti

Maganda ka nga, ligawin ka nga, TANGA KA NAMAN! Iwan mo na yan. Mas kawawa anak mong babae kung bubugbugin lang ng tatay nya mag isio ka po. Kapag nagstay ka, parang nagpapaunahan na lang kayo ng anak mo na mamatay sa bugbog. 🤦🏼‍♀️ sorry for the words.

Bigyan mo siya ng time sa sarili niya. Layuan mo mhna sis parealize mo sakanya na siya ang mawawalan kapag nawala kayong mag ina. Wag ka na din magpaalam na aalis umalis ka na lang at unahin mo muna iheal sarili mo baka sakaling marealize niya worth niyong dalawa.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles