Mahal na mahal ko asawa ko kahit Gago

Hi itago nyo na lang ako sa pangalang Elle marami nagkakagusto sakin nun dahil simpleng babae ako at maganda halos marami akong manliligaw nung college 21 na ako ngayon kinasal ako sa kanya nung buntis ako pero mahal na mahal niya ako kaso parang biglang nag iba ang ihip ng hangin ,Mahal na mahal ko asawa ko kahit napakagago nahuli ko siya tatlong beses na may kausap na babae ,katrabaho niya ,ex at ibang babae ,nung buntis ako nahuli ko siya na kalandian niya katrabaho niya at sabi niya sa katrabaho niya``Pano kung mainlove ako sayo alam kong mali pero gusto kita di lang sa maka sex "tapos sabing babae ayoko naman makasira ng relasyon nyo " basang basa ko pakikipaglandian nila tumatawag ang babae at ako nakasagot dahil tulog siya sa ka lasingan pinagmumura ko yun sa sobrang galit at tinigilan niya asawa ko tapos di ne deny niya na hindi daw siya nagtxt nun halos kilala ko mga txt niya at alam kong siya yun mag 1 year na yun at hindi mawala sa isip ko ginawa niya katarantudahan kaya lagi na ako paranoid ,Sobrang sakit sakin mga momshie kasi buntis ako nun at panay stalk niya sa ex niya at nung nanganak ako may ka chat siya babae,niyaya niya uminom PALAINOM SIYA HALOS WALA NA KAMI NAIIPON ,SINAKTAN NIYA DIN AKO NUNG LASING SIYA KASI SINAMPAL KO SIYA KASI SABI NIYA KADIRI DAW AKO NANGGIGIL AKO AT NASAMPAL KO SIYA At sinaktan niya kami ni Baby kargakarga kosibaby nun at natatamaan na din si bby kundi lang kami inawat ng biyenan ko patay na siguro ako ,pagkatapos nun nagpa comfort siya ex niya ,nakikiusap ako balikan kaming mag ina kasi mahal na mahal ko siya siya yung first bf ko at pinakasalan niya ako gusto ko siya maginglast sa buhay ko sa tuwing di niya kami inuuwian ng anak ko masakit dahil nagpapalulong siya sa alak puro na lang siya alak ,panay selos ko sa ex niya kasi magkapitbahay lang yun at nagalit siya kasi binabalikan ko yung mga tapos na daw EH HINDI NAMAN TAPOS PARASAKIN YUN KASI WALANG SAGOT SA MGA KATANUNGAN KO AT AYAW NIYA UMAMIN. Galit pa siya kakahinala ko daw papatunayan niyang maybabae siya at pinatunayan niyang may nilalandi siyang babae ngayon .Tama pa bang mahalin ko asawa ko ? ang Dami ko nang chance at umaasa ako na magbabago siya mahal na mahal ko asawa ko, alam ko balangaraw may marereliaze siya.DAHIL AYOKO NANG BROKEN FAMILY AT BABAE ANAK KO INIISIP KO PAANO NA KAMI :( AYOKO NANG SIRANG PAMILYA DIKO PINANGARAP YUN :(

86 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di na dapat mga babae nagpaoakatanga ngayon, kung sa uso uso, si na USO yan momshie... Dapat di yan pinagtyatyagaan,.. Yung mister ko, pag nag inom lang galit na galit na ako hihiwalayan ko na agad ... Yan pa kayang ganyan?! Wag kana magtiis momshie.

Pls teh. Alam mo na sagot diyan. Buong pamilya pero niloloko ka, sinasaktan kayo ng anak mo, at puro inom lang or palalayasin mo at buhayin mo anak mo nang tahimik? Jusko. Isipin mo anak mo. Hihintayin mo pa bang pati siya bugbogin ng lalaking yan?

Please po wag ka na mag pakatanga mamsh tama ka babae anak mo at dapat di sya lumaki na knowing na gaano kababa ang tingin ng asawa mo sa mga babae dapat lumaki sya na mataas tingin nya sa sarili nya bilang babae at tingin nya sayo bilang nanay.

Di nya marerealize kamalian nya king d kayo lalayo.. pag mahal nya tlga kayo hahanapin ka nya at yung bata.. be brave mamsh, nasayo anak mo at yan ang magoging kwalan nya if magoapaka gago tlga sya. Godbless you mamsh

Hindi ko alam panu mo pa minamahal ung ganyan tao. Well momshie sori pero dapat mas mahalin mo sarili mo. At higit sa lahat ung baby mo. Cya nlng priority mo😪Nakakasad ung mga ganitong kwento.

Magdasal ka lang sis na sana magbago na asawa mo..Hanggat umuuwi pa xa jan bahay nio wag ka muna makipaghiwalay ,.magbabago din yan..Balang araw marealizE nia mga gingawa nia..

Ate girl! Maganda ka naman pala ehhhh. Wag ka na pong magstay sa hype mong asawa. Baka mamaya. Malulong sa drugs yan kung ano pa magawa sa inyong mag asawa.

VIP Member

move on kana mamsh..madaling sabihin, mahirap gawin..mahirap sa una, peru gugustuhin mu bang mahirapan pati anak mu dahil sa mga pinang.gagawa nia?

VIP Member

p*tang ama yang lalaki .. iwanan mo nalang mas mahalin mo ang sarili mo at ang anak mo mommy .. ipamukha mo sa kanya na kaya mo ng wala siya.

Magiging miserable lang kayo ng anak mo. Buo nga pamilya nyo pero ganyan naman sitwasyon nyo. Mas malala pa yan. Hiwalayan mo nalang.