Mahal na mahal ko asawa ko kahit Gago

Hi itago nyo na lang ako sa pangalang Elle marami nagkakagusto sakin nun dahil simpleng babae ako at maganda halos marami akong manliligaw nung college 21 na ako ngayon kinasal ako sa kanya nung buntis ako pero mahal na mahal niya ako kaso parang biglang nag iba ang ihip ng hangin ,Mahal na mahal ko asawa ko kahit napakagago nahuli ko siya tatlong beses na may kausap na babae ,katrabaho niya ,ex at ibang babae ,nung buntis ako nahuli ko siya na kalandian niya katrabaho niya at sabi niya sa katrabaho niya``Pano kung mainlove ako sayo alam kong mali pero gusto kita di lang sa maka sex "tapos sabing babae ayoko naman makasira ng relasyon nyo " basang basa ko pakikipaglandian nila tumatawag ang babae at ako nakasagot dahil tulog siya sa ka lasingan pinagmumura ko yun sa sobrang galit at tinigilan niya asawa ko tapos di ne deny niya na hindi daw siya nagtxt nun halos kilala ko mga txt niya at alam kong siya yun mag 1 year na yun at hindi mawala sa isip ko ginawa niya katarantudahan kaya lagi na ako paranoid ,Sobrang sakit sakin mga momshie kasi buntis ako nun at panay stalk niya sa ex niya at nung nanganak ako may ka chat siya babae,niyaya niya uminom PALAINOM SIYA HALOS WALA NA KAMI NAIIPON ,SINAKTAN NIYA DIN AKO NUNG LASING SIYA KASI SINAMPAL KO SIYA KASI SABI NIYA KADIRI DAW AKO NANGGIGIL AKO AT NASAMPAL KO SIYA At sinaktan niya kami ni Baby kargakarga kosibaby nun at natatamaan na din si bby kundi lang kami inawat ng biyenan ko patay na siguro ako ,pagkatapos nun nagpa comfort siya ex niya ,nakikiusap ako balikan kaming mag ina kasi mahal na mahal ko siya siya yung first bf ko at pinakasalan niya ako gusto ko siya maginglast sa buhay ko sa tuwing di niya kami inuuwian ng anak ko masakit dahil nagpapalulong siya sa alak puro na lang siya alak ,panay selos ko sa ex niya kasi magkapitbahay lang yun at nagalit siya kasi binabalikan ko yung mga tapos na daw EH HINDI NAMAN TAPOS PARASAKIN YUN KASI WALANG SAGOT SA MGA KATANUNGAN KO AT AYAW NIYA UMAMIN. Galit pa siya kakahinala ko daw papatunayan niyang maybabae siya at pinatunayan niyang may nilalandi siyang babae ngayon .Tama pa bang mahalin ko asawa ko ? ang Dami ko nang chance at umaasa ako na magbabago siya mahal na mahal ko asawa ko, alam ko balangaraw may marereliaze siya.DAHIL AYOKO NANG BROKEN FAMILY AT BABAE ANAK KO INIISIP KO PAANO NA KAMI :( AYOKO NANG SIRANG PAMILYA DIKO PINANGARAP YUN :(

86 Replies

I feel you sis ganyan din ang naranasan ko sa unang partner q... Sbrang mahal ko din cia nun khit na minsan nssaktan nia ko at ang masakit p nun nalaman q n my babae ciang nilalandi cguro mga 4 months n baby ko nun pinapatawad q lng cia kc sbrang mahal ko eh... Ang mas matindi pa nalamn q na my nbuntis cia dun ko narealize n d ko deserve ang lalaking katulad nia kya khit masakit sakin kc sbrang mahal ko eh, mas pinili ko nlng na pabyaan cia at mahalin q ang sarili ko my araw din ang mga lalaking walang kwenta.. Now I'm happy with my new partner tanggap nia anak ko... Kya ikaw sis d mo deserve ang ganyang lalaki.. Una mo sanang mahalin ang sarili mo my anak ka dun mo nalang I fucos ang pgmamahal mo someday darating din ung lalaking pra sau n deserve mo.. Kinaya ko nga.. Kya kaya mo din..

Kya mo yan pra sa anak kinaya ko nga eh kya kya mo rin un

Sa tingin mo ba ma'am ayos pa yang pamilya mo porke nagsasama kayo? Una, walang respeto sayo. Pangalawa, sinasaktan ka na. Sorry ah, pero mas mabuti pang maging single mom, no stress and no pain. Hindi ka nya mahal, realtalk. Ikaw na lang ang nagmamahal. Ikaw na lang umaasa na magiging okay siya. To be honeat, matagal ng sira ang pamilya nyo dahil sa mga ginagawa nya. Aantayin mo pa ba na lumaki ang anak mo at makita nya na sinasaktan ka ng tatay nya? Alam mo ba kung anong impression nun sa kanya? Kung babae ang anak mo iisipin na okay lang saktan ng asawa/karelasyon kasi mahal mo. Kung lalake naman siya, okay lang pala manakit ng babae. Isip din ma'am. Kinabukasan ng anak mo ang nakasalalay.

Hindi po dahilan na kasal kayo para umalis ka sa isang relasyon na hindi ka na nirerespeto at hindi ka na pinapahalagahan. Hindi rin po dahilan na kasal kayo para may mahanap ka pa na mas deserving sa pagmamahal mo para po magbulag bulagan ka. Isipin mo na lang yung anak mo. Gusto mo ba danasin din nya kung anan dinadanas mo sa tatay nya?

Mahirap sitwasyon mo momshie,alam mo tayong mga babae malakas tlga ang instinct natin at pagniloko tayo kahit patawarin natin paranoid na isip natin totoo yan,..sa tingin ko dapat iwan m na muna sya pero bago m sya iwanan magsalita ka ng mga words na siguradong tatagos at magpaparealize sa kanya yung ginawa nyang mali,maging mabait ka oa din momshie kasi in time marerealize din nya kung talgang mahal nya kayo ni baby after that pilitin m magfocus muna sa pag alaga kay baby at try m dn maglibang muna in a good way,wag mo pababayaan sarili mo..yan eh advice ko lang pero ikaw pa din makakatulong sa sarili m momshie kasi ikaw makakaramdam kung ano ba kaya mo gawin,sundin m yung pusot isip mo

sb nga pag mahal mo iwanan mo..pakawalan mo....dhil kung tlgang mahal ka...babalikan ka....u have to let go kc kawawa ka na pati baby ur not physically hurt only emotionally as well...u dont deserved to be treated that way...bata kpa nmn.and besides hindi ka nmn nag iisa sa mundo na single mom mamaya eh..madami and they survived and conquer the world without having a man to be with na mkakatulong sa anak nila...wala nmn kso if babae or lalaki anak mo...its the way u take good care of him...nsa pag aalaga yan at pagmamahalmo. kung di ka nmn nagkukulang i dont think iisipin nya na kulang xa later on in his life...trusts me mommy.i know a lot na kagaya mo...ksama na jan 2 kapatid ko...

Mommy wala nmang ina ang may gusto ng broken family,kausapin mo xa ng heart to heart .ganyan ginawa ko xa husband ko 3x kuxang nahuling may kalandian,sabi ko sa kanya patatawarin kita hanggat kaya ko at bibigyan kita ng chance.pero wag sanang dumating sa point na wala yung love at respeto ko sayo at sa sarili mo.hindi ko pinangarap na mag karoon ng broken family pero mas hindi ko pinangarap na masaktan ako ang paulit ulit ng iisang tao.kaya kong ibigay kalayaan mo.start nung Mommy mas minahal ko sarili ko at anak ko kesa sa husband ko. Thanks God maayos na pag sasama nmin ngayon.Pray Mommy kay God dahil ang tao hindi kayang mag bago pero si God kayang baguhin ang tao.

Alam mo sis, kahit mahal mo pa yan hindi ka magiging masaya sa ganyang sitwasyon. Know your worth. Kung talagang mahal ka nya bakit ka nya sasabihan ng “nakakadiri ka” kung hindi ba naman tarantado yang lalaking yan. Sorry for the word mamsh, pero realtalk gago yang asawa mo. Kung hindi nya kayo kayang pahalagahan ng anak mo, much better na umuwi ka nalang sa prents mo. Hindi ka naman ijujudge ng lipunan dahil hiwalay ka, mas maigi po yung lumayo napang kesa mag-stay sa relasyong sisira sayo. Tandaan mo sis, kayo ng anak mo ang mahihirapan sa sitwasyon na yan eh mukhang di pa sawa sa pagkabinata tang asawa mo eh. Gigil ako sa asawa mo sis!

VIP Member

I feel u sis.. Ganyan din aq ka martir dati.. Pero sis.. Dapat i let go mu n yang lalake na yan.. Andun n tyu sa mahal mu xa.. At gusto mu xa ung last mu or habang buhay na.. Gusto mu ba ung habang buhay kna din iiyak.. Masasaktan.. At maghihirap?? Wag mu na isipin ung broken family.. Ang importante at isipin mu ung anak mu nlng.. Wag ka magtiis sa taong di k nman na pinahahalagahan at kaya ka ng saktan.. Mas mgiging ok kung kayu nlng ni baby.. Kesa ganyan ginagawa sayu.. Ako single mom n din aq..dahil mas pinili qng maging masaya nlng kasama ng anak ko at pamilya ko.. Its up to u sis.. ☺️ isipin mu mga bawat mangyayare pa..

Di naman porket magkasama kayo sa iisang bunong buo na pamilya mo. Isipin mo yunh environment na kakalakihan ng baby mo. Mas toxic and mas malala pa yan sa broken family. Mukhang drunkard pa yang asawa mo. Wag mong isacrifice yuny future mo at ng baby mo just because may pinanghahawakan ka na ideal na buong family. You can be a good mother and father to your child. I hope ilead ka ni Lord sa right decision. Pero of ako ang tatanungin lalayasan ko nayan and magfifile nalang ako for child support. May magmamahal sayo ng tama and sapat. No space for toxic people dapat if you really want what's best for you and your baby.

One day mommy mahnap mo yung strenght and courage, gigising ka nlng n enough n yung bnigay mo, yung mga anak totoong reason yan to strenght or pagtibayin ang buhay mag asawa not to give up pero ndi dapat lagi siang reason, kapag ang respeto nwawala na masusundan p yan ng maraming kawlan... Lagi k mg pray for Guidance, the more pakita ko n takot k mawala sila lalo lang sila ngmamatapang gumawa ng mali... Sometimes ma iisip ntin our kids your kid deserve a better future even ndi buo eh, kesa makita niya n at lumaki sia s maling pagpapamilya, pero wlang may gusto ng broken family if ikaw tingin mo mababago p subukan mo

Gusto ko sanang tapusin ung kwento mo mamsh pero I stopped nung sinabi mo na sinaktan din si baby mo. Mamsh, kahit gano mo kamahal yan, Kung magagawan nyang saktan ung batang walang kamalay Malay, Sana magising ka na. Don't let your love for this man be the reason for your child's pain and misery. Ung nasasaktan tayo physically at emotionally Hindi Tama pero kayang tiisin pag Mahal na Mahal di ba? But let us draw the line. Pag dating sa mga anak natin, NEVER COMPROMISE. if they hurt your child. Leave them. They are not worthy. Nothing will justify sa ganung act tandaan mo yan mamsh.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles