Mahal na mahal ko asawa ko kahit Gago

Hi itago nyo na lang ako sa pangalang Elle marami nagkakagusto sakin nun dahil simpleng babae ako at maganda halos marami akong manliligaw nung college 21 na ako ngayon kinasal ako sa kanya nung buntis ako pero mahal na mahal niya ako kaso parang biglang nag iba ang ihip ng hangin ,Mahal na mahal ko asawa ko kahit napakagago nahuli ko siya tatlong beses na may kausap na babae ,katrabaho niya ,ex at ibang babae ,nung buntis ako nahuli ko siya na kalandian niya katrabaho niya at sabi niya sa katrabaho niya``Pano kung mainlove ako sayo alam kong mali pero gusto kita di lang sa maka sex "tapos sabing babae ayoko naman makasira ng relasyon nyo " basang basa ko pakikipaglandian nila tumatawag ang babae at ako nakasagot dahil tulog siya sa ka lasingan pinagmumura ko yun sa sobrang galit at tinigilan niya asawa ko tapos di ne deny niya na hindi daw siya nagtxt nun halos kilala ko mga txt niya at alam kong siya yun mag 1 year na yun at hindi mawala sa isip ko ginawa niya katarantudahan kaya lagi na ako paranoid ,Sobrang sakit sakin mga momshie kasi buntis ako nun at panay stalk niya sa ex niya at nung nanganak ako may ka chat siya babae,niyaya niya uminom PALAINOM SIYA HALOS WALA NA KAMI NAIIPON ,SINAKTAN NIYA DIN AKO NUNG LASING SIYA KASI SINAMPAL KO SIYA KASI SABI NIYA KADIRI DAW AKO NANGGIGIL AKO AT NASAMPAL KO SIYA At sinaktan niya kami ni Baby kargakarga kosibaby nun at natatamaan na din si bby kundi lang kami inawat ng biyenan ko patay na siguro ako ,pagkatapos nun nagpa comfort siya ex niya ,nakikiusap ako balikan kaming mag ina kasi mahal na mahal ko siya siya yung first bf ko at pinakasalan niya ako gusto ko siya maginglast sa buhay ko sa tuwing di niya kami inuuwian ng anak ko masakit dahil nagpapalulong siya sa alak puro na lang siya alak ,panay selos ko sa ex niya kasi magkapitbahay lang yun at nagalit siya kasi binabalikan ko yung mga tapos na daw EH HINDI NAMAN TAPOS PARASAKIN YUN KASI WALANG SAGOT SA MGA KATANUNGAN KO AT AYAW NIYA UMAMIN. Galit pa siya kakahinala ko daw papatunayan niyang maybabae siya at pinatunayan niyang may nilalandi siyang babae ngayon .Tama pa bang mahalin ko asawa ko ? ang Dami ko nang chance at umaasa ako na magbabago siya mahal na mahal ko asawa ko, alam ko balangaraw may marereliaze siya.DAHIL AYOKO NANG BROKEN FAMILY AT BABAE ANAK KO INIISIP KO PAANO NA KAMI :( AYOKO NANG SIRANG PAMILYA DIKO PINANGARAP YUN :(

86 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung sinasaktan ka na, redflag na yan. Kahit kasal, humiwalay ka na at humingi nalang ng suporta, idaan sa korte para sa legal na proseso. Maghanap ng magbabantay ng anak mo at humanap ng trabaho. Buhayin ang sarili at magfocus sa anak mo. Wag k ng mgtiis sa ganyang klase ng pagsasama pra lang may matawag kang buong pamilya, mas magiging malaking impact at psychological damage ang maidudulot niyan sa anak niyo pagdating ng panahon na nakita niya kung paano tratuhin ng tatay niya ang nanay niya. Move on sis, may mas magandang buhay pa para sayo, napakabata mo pa.

Magbasa pa

Alam mo mami. Lahat ngkakamali. Pero ung mga ganyan klase ng lalaki dpat iniiwan mo na yan. Ayaw mo nga ng broken family. Mas mahirap nman kung lumaki yan anak mo na mamulat sa kalokohan ng tatay nya diba. Nabuntis ka pero dika napilay you can raise your baby by ur own. Wag mo na idepende sarili mo sa lalaki na di alam ung worth nyo ng baby mo.. Kung mahal ka tlaga nyan buntis ka palang di nya na ipaparanas sau na sumama ang loob kc iisipin n nya ung baby nyo.. God is good kaya wag mo iikot ang mundo mo sa kanya. Focus ka nlang sa baby mo ung maiprovide mo lahat para sa kanya..

Magbasa pa

Mahirap tlga yan sis. Ou nga papatawarin mo asawa mo kasi nga mahal mo at mahirap din ang broken fam pero yung tiwala mo kasi wala na lagi mo nlang iisipin na nambabae siya kahit hindi nman. Kaya di mawawala ang pag aaway niyo niyan . Isipin mo nalang buo nga kayo pero lagi kang stress dahil sa asawa mo panu mo maalagaan si baby mo niyan si baby ang kawawa. Mag isip kang mabuti sis si baby mo ang isipin mo. Kung di talaga magbago yang asawa mo tuloy ang paghihirap mo . Marami ngayong single parents na napalaki ng maayos ang anak nila kaya mo din yan sis basta para sa anak ntin.

Magbasa pa

Hinge ka po ng tulong para kausapin ang asawa mo! Kung mabait naman ung biyenan mo makiusap ka sa kanila na pangaralan nila anak nila. Kc ako yan ginawa ko sinumbong ko siya sa byenan ko kaya kaliwat kanan ang pangaral sa kanya.. At magusap din kayo tanungin mo siya kung yang ginagawa ba niya ang magpapasaya sa kanya kc kung yan iwanan mona dahil habang buhay magiging misserably ang buhay mo! Iparealize mo sa kanya kumg ano kayo sa buhay niya! Kc mahirap din kung ikaw lang ang nagmamahal,wala kang katahimikan moms kaya kailangan mong tuldukan na yang ginagawa ng asawa mo!

Magbasa pa

Kung ako sayo mamsh hiwalayan mo na. Ginaganyan ka na lalo alam nyang buntis ka tapos hinahayaan mo lang. Ang mindset kasi nyang asawa mo kahit gumawa sya ng gumawa ng mali hindi mo siya susukuan hhabol ka ng hahabol. Pinapakita mo kasi masyado na mahal na mahal mo siya. Try mo iwan tignan mo kung anong mangyayari sakanya. Yung asawa ko ngayon nung magjowa palang kami di takot sakin ginawa ko iniwan ko edi lumuluhod pa sa harap ko para lang balikan ko siya hahahaha edi okay kami hanggang ngayon kasi mas mahal nya ko kesa sa mahal ko siya😊

Magbasa pa

Mahal na mahal??? Kahit sayo na mismo nggaling na gago sya??? Hindi ako naawa sayo, nabobobohan ako sayo! ANG KAWAWA ANG ANAK MO! NASAKTAN NA NGA ANAK MO, INUUNA MO PA YANG KAPAKANAN MO..Kung nakatapos ka naman ng kolehiyo, bakit ka magtitiis sa ganyang buhay??? Ehh ano naman kung sirang pamilya? Kaya nga nasira dahil gago ung lalaki eh..Bat di ka magtrabho kung anak mo inaalala mo? Kung ako yan kinasuhan ko na yan at ipinakulong! Bobo ka lang talaga..Kaya di mo maiwan iwan kahit pa patayin ka! kasi mas gusto mo sinasaktan at ginagago! 🤬

Magbasa pa
VIP Member

Move on na mommy. Mas isipin mo si baby di nya kailangan ng walang modong tatay at iresponsableng ama. Kaya mong punan lahat ng yon lahat ng magiging kakulangan nya. It can cause you trauma. Mas okay na yan habang maaga pa alam mo na na di ka nya kayang panindigan emotionally. Wag mong i-trap sarili mo sa ganyang klaseng lalaki. Oo pinakasalan ka nya pero hindi paba enough na madaming beses ka na nyang niloko? Once a cheater always a cheater. Di sya kawalan mommy, nasa sayo si baby. Nasa sayo ang custody. Praying for your healing sis.

Magbasa pa

Di totoo ung "love will keep us alive" mas totoo ung "too much love will kill you". Ang dami mo ng pangit na karanasan sa piling ng lalaki na yan, i dont think di mo pa alam ung sagot sa tanong mo. Kaiwan iwan yan. Di worth ipaglaban ung pagmamahal na sinasabi mo kasi mukang ikaw lang ang nagmamahal. Isipin mo anak mo at sarili mo. Sa nangyayari ngayon masasabi mo ba na buo ang family mo? Magkakasama kayo oo pero walang katahimikan di ba? Tatagan mo para sa anak mo. Wag kang magbulag bulagan

Magbasa pa

Nanggaling din ako dyan 6 mos old nun ang anak ko ganyan na ganyan ang tatay nya.. Kaya iniwan ko pagkatapos ko silang bugbugin ng kabit nya. Ngaun sa awa ng Diyos 12 years old na anak ko. Sya nakailang live in din palaboy laboy, ako naman may kumupkop na sa amin at nagmahal sa amin na inaalagaan kami ng anak ko.. Ngaun may kapatid na sya 5 years old at may parating pa na baby girl. Hayaan mo na yang asawa mong wlang kwenta. Siya sumira sa buhay mo at vuhay ng anak mo at pamilya mo hindi ikaw.

Magbasa pa

minsan kagigil din ang mga babaemg napatol sa pamilyado. pro mas kagigil pag pamilyado ka na e maharot ka pa din. evry woman naman pangarap ay buong pamilya.. pro ano ang sense ng BUO kng yung pagkatao mo e wasak na wasak na sa gngwa niyang pgtrato syo. aantayin mo pa ba na dumating ang time n pti anak nio ay msaktan nia na o time na bka mapatay ka na nga nia? kng mas maayos mggng buhay mo ng wla si hubby mo, un ang gwin mo pra s anak nio at pra s kalayaan mo s toxic n relasyon.

Magbasa pa