Walang future?

Iniwan sya ng matagal niya ng karelasyon dahil ang rason ng babae ay wala raw siyang future sa boyfriend at tatay na ng anak ko ngayon. Alam ko na yung issue na yun bago ko pa siya sagutin. Pero parang totoo ngang wala future sa lalaking to. 4th year college na ako at siya construction depende pa pag may gawa. Hindi siya tamad oo, pero parang yun lang ang gusto niyang trabaho pinapagibang bansa ko siya ayaw niya. Hindi ko siya minamaliit pero ayaw ko danasin yung sa pamilya nila na pati pangbayad ng tubig iuutang pa sa iba. Ginusto ko tong mabuntis ng maaga pero gusto ko rin may mapatunayan ako sa magulang ko pero sa kinakasama ko mukhang malabong mangyare yung pamgarap ko na hindi ko magiging problema ang pera sa buhay.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ayun lang sis. Hindi siya tamad, pero di siya madiskarte. Oo, nagcoconstruction siya pero kung alam nya na di sapat yung kinikita niya, dapat gumawa siya ng paraan para sa future niya. Sya kasi may hawak ng buhay nya diba, if gusto nya umunlad, may paraan. Kung ayaw, laging may dahilan. Sa totoo lang baka ang mangyari nyan ikaw pa bubuhay sa kanya since patapos ka na ng college.

Magbasa pa